Chapter Twenty-two

19.3K 490 37
                                    

Mexico

"Ah, the prodigal son is back. And what are you doing in my house, pray tell?" saad ni Pyre nang makita akong papasok sa mansiyon. Hindi ko namalayan na mag-jojogging pala siya at sakto naman ang pagdating ko sa pagpasok niya sa loob.

"Wag mo kong intindihin. May kelangan lang akong kunin."

"At ano naman ang pwede mong kunin sa pamamahay ko? For your information, pinatapon ko na lahat ng gamit na iniwan mo dito."

Naikuyom ko ang kamao kasabay ng pagtagis ng bagang dahil sa galit. This man, wala siyang ibang ginawa kundi ang saktan at pahirapan ako. Why!? 

Naalala ko yung sinabi ni Ichi, that Pyre knows everything.

"Alam mo pala na si Niki ay si Nigella. Congratulations, you've made a fool out of me."

Ngumisi lang ito na parang isang demonyo.

"It's fun getting to play both of your emotions. Child's play, really."

Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Ayos lang kung ako ang paglaruan but if he also used Niki to get to me, hindi ko siya papatawarin.

"What do you mean by that? You used Niki too?"

Dito ay tumawa siya ng pagkalakas-lakas.

"Para siyang batang ngumangawa nang makita ka niya sa motel. Poor girl. Wala man lang siyang kalaban-laban. Nagmamakaawa pa sa akin na tulungan ko siya kasi sobrang sakit daw..."

Na-iimagine ko si Niki na umiiyak kasi iniisip niya na niloko ko siya. That's the reason why she was so cold when I came home that morning.

Natigil ako sa paghinga nang magpatuloy si Pyre.

"I've never met someone with such strong emotion. Nung una, kalmado pa siya, marahil iniisip na may dahilan kung bakit kahalikan mo si Nigella, but when I told her na itinago mo din sa kanya na patay na ang kaibigan at Lola niya, saka siya nagwala. God, kahit ako kinilabutan sa mga sigaw niya. So wounded."

Nagtangka pa siyang mangilabot pero hindi niya na nagawa kasi isang suntok na punong-puno nang galit ang hinayaan kong tumama sa panga niya. Pagkatapos ay ibinalandra ko siya sa matigas na pader ng terrace at hinawakan ang magkabilang kwelyo ng damit niya.

"Damn you! What did I ever do to you, you bastard! What did I ever do!?" sigaw ko sa mukha niya.

Nalukot ang mukha ba kanina ay tumatawa, napalitan iyon ng pamilyar na mukha ng poot at galit. Numipis ang hilatsa ng kanyang bibig at punung-puno ng nagbabagang apoy ang mga matang ibinaling niya sa akin.

"Bago mo itapon ang salitang bastardo sa akin, tanungin mo muna ang sarili mo."

Nakunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin.

"What the fuck are you talking about?"

"You are not my son Mexico! Bastardong anak ka ni Claudia sa ibang lalaki, naiintindihan mo!?" sigaw niya sa mukha ko kasabay ng marahas na pagtulak sa akin. Inayos niya ang natabinging kwelyo at nagsimulang maglakad palayo.

Pero hindi pa ako tapos sa kanya.

"Sino then! Sino ang ama ko?" sigaw ko.

Ni hindi siya bumaling para kausapin ako at linawin kung sino ang tunay kong ama. Itinaas niya lang ang dalawang daliri na parang sumasaludo saka naglakad palayo.

Nasuntok ko ang pader sa galit pero kahit iyon ay walang mabuting naidulot sa akin.

I have to find my father, kung sino man siya. Kailangan kong alamin kung sino ang ama ko at putulin ang pagkakahawak ni Pyre sa buhay ko.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon