Chapter Ten

20.8K 536 29
                                    

LOLA SABEL'S POV

Myerkules. Sa ospital.

May tatlong lalaki ang biglang pumasok sa kwarto na inuukupa ko. Kalalabas lang ni Berto para kumuha ng makakain nang mga sandaling iyon kaya nakasalisi siguro niya ang mga tauhan ni Pyre. Kahit natatakot, pinilit kong kalmahin ang sarili. Alam kong darating at darating ang panahon na ito. Alam kong sisingilin niya ako sa ginawa ko.

Bigla ay sinunggaban ako ng isa at kinuha ang kamay ko. May itinurok siyang kung ano sa dextrose na dahilan para unti-unting mamigat ang pakiramdam ko. Eto na ba? Dito na ba magtatapos ang buhay ko?

Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto.

"Lola Sabel?" tawag ng isang malumanay na boses. Si Allyanna. Anong ginagawa niya dito?

Sisigawan ko sana siya na umalis, tumakbo ng tumakbo hanggang sa hindi na siya mahabol ng mga kalalakihan ngunit huli na.

Kumasa ang gatilyo kasabay ang isang marahas na putok at ang paghila saken pailalim ng gamot na naglalakbay sa loob ng sistema ko.

***

"Sinong nagsabi na patayin niyo!" sigaw ng isang lalaki dahilan para maalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. 

Ilang nagmamakaawang boses ang naririnig ko mula sa kung saan. Namimigat pa rin ang ulo ko at hindi ko magawang buksan ang mga mata ko. 

"Bigla ho kasing pumasok kaya naiputok namin yung baril." paliwanag ng isa.

"Gago! Inutil!" sigaw ulit ng boses. "Nabigla ka kaya mo nakalabit ying gatilyo? E kung mabigla din ako at pasabugin ko ang bungo mo?"

"Father, enough." pareho ang timbre ng boses ngunit mas batang pakinggan ang boses ng bagong salita.

"Enough? They killed someone and I can't just let it go! Paano kung may pamilya iyon?"

"Ako na po ang bahala sa pamilyang naiwan."

"Fine. And Ichiro, stay away from this room. I want all of you out of this room this very moment!" sigaw niya ulit. 

Mula sa pag-uusap ay naintindihan ko na si Pyre ang kanina pang sumisigaw. May namatay.

Si Ally ba? Siya ang huling pumasok bago ang putok ng baril sa ala-ala ko.

Diyos ko po, sana hindi niya kasama si Niki sa pagbisita. Hindi ko alam kung anong gagawin sa kanya ni Pyre. Pabago-bago ang desisyon niya dito kaya natatakot ako na baka isang araw ay patayin niya na lang bigla ang alaga ko.

Yun ang dahilan kung bakit binigyan ko ng clue ang mga nag-iimbestiga sa pagkawala ni Niki. Alam kong mas magiging ligtas siya sa poder ng mga totoo niyang magulang.

Pero nalaman pa rin ito ni Pyre. Kaya andito ako, para pagsisihin niya ako sa ginawa kong katrahidoran.

Pero kahit anong gawin ko, napamahal na sa akin ang alaga ko at kahit ang buhay ko ay ibibigay ko, maging ligtas lang siya mula rito.

"Gising tanda!" sigaw niya bago ibinuhos ang isang baldeng tubig sa ulo ko.

May ilang tubig na nakapasok sa ilong ko ng mapasinghap ako kaya napaubo ako, pero nagising naman ako dahil sa lamig ng tubig.

"Lourdes!" tumunghay ako. Matagal-tagal ko na rin mula ng marinig ko ang totoo kong pangalan. Nginitian ko siya dahilan para lalong mag-alab ang apoy ng galit sa mga mata niya.

"Magandang araw Pyre. Naalala mo na naman ako." magiliw kong bati.

"Hayup ka! Pinagkatiwalaan kita tapos ganito pa ang igaganti mo saken?"

Tumawa ako na parang tuwang-tuwa sa sinabi niya saken.

"Kung hayup ako, mas masahol ka! Sinong matino ang ulo ang magnanakaw ng anak ng iba?"

Hinablot niya ang buhok ko. At dahil may katandaan na rin kaya mabilis itong natanggal. Nandidiring binitawan niya ang kumpol ng puting buhok na nabunot sa anit ko. Ngumisi ako.

"Hindi mo ba alam na nasira mo ang plano ko? Alam na ng Nielsen na iyon kung asan ang anak niya. Imbes na makuha ko ang loob niya, may posibilidad na ngayong malaman kung sino ang nandukot kay Nigella." tiim-bagang na paliwanag niya saken.

Nabuhayan ako. Marahil magiging maayos na ang buhay ng alaga ko. Naway ito na ang maging simula ng pagbabago sa buhay niya. Nais kong bago pa man ako mamatay, maisaayos ko man lang ang nasira niyang buhay.

"Mabuti kung ganon."

"Mabuti ba talaga Lourdes? Sinabi ko naman sayo na wag mo akong lokohin. Na oras na mahalin mo ang alaga mo, may mangyayaring masama. Ngayon, hindi mo na matutunghayan kung anong hirap at sakit ang ipadadanas ko sa kanya. Dahil lang sa kabobohan mo! Mamamatay ka na nagsisisi dahil ito ang tatandaan mo tanda, dahil sayo kaya pahihirapan ko siya. Siya ang magdadala ng lahat ng kasalanan na ginawa mo saken!" sumpa niya. Nangilabot ako. Hindi siya tao, isa siyang demonyo.

"May araw ka rin Pyre. Tandaan mo rin, hindi kalayuan ang edad mo sa akin. Kung matanda ako, matanda ka rin, ulol!"

Kinalabit niya ang gatilyo.

Gusto kong makita si Niki. Gusto kong mahawakan man lang ang kamay niya at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa kanya. Pero hanggang dito na lang ang buhay ko at malayo siya sa akin.

Manonood na lang ako sa kabilang buhay. At magdadasal, na sana, maayos ang lagay niya kay Mexico.

Sana maging totoo ang pagmamahalan na nakita kong namumuo sa kanilang dalawa.

Isang marahas na putok ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarta.

Napahawak ako sa tiyan ko. Marami na ang umaagos na dugo.

Sana man lang, kung ano man ang paghihiganting gagawin ni Pyre, sana kayanin niya. Sana matuto siyang lumaban. 

Sana ipaghiganti niya ako. 

Natumba ako mula sa upuan. Pero bago pa tuluyang mawala ang ulirat ko, tumingin ako sa tao na naging dahilan ng lahat ng ito.

Ngumisi ako sa kanya at binitawan ang mga huli kong salita.

"M-m-mumul-t-tuhin k-kita.."

****

---a/n: uwaaaaahhh!!!  Condolence Lola Sabel 😖😫😢

Vote please. 😔 

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now