Chapter Fourteen

20.3K 686 22
                                    

NIKI'S POV

Parang madudurog ang mga labi ko sa marahas na paghalik niya. Kahit anong tulak ang gawin ko, hindi siya tumitigil, ni hindi niya napapansin na ang mga tunog na pinapakawalan ko ay dahil sa sakit na nararamdaman.

Nalasahan ko ang mala-metal na lasa ng dugo at ang sakit nang bigla niyang kagatin ang pang-ibaba kong labi.

Isang marahang hikbi ang kumawala sa akin kasabay ng paglandas ng nagraragasang luha sa pisngi ko.

Hindi ko alam kung bakit siya ganito. Hindi ko akalain na kaya niya akong saktan. Ni hindi ko inakala na magkakaganito si Mico.

Buong lakas na itinulak ko siya palayo sa akin dahilan para tumama ang siko niya sa manibela ng kotse.

"Shit! What the hell?" hiyaw niya sabay tingin saken. Nag-aapoy pa ang mga mata niya sa galit pero nawala iyon nang makita ang malalaking butil ng luha na kumakawala sa mga mata ko.

"Niki?" napaigtad ako nang akma niyang hahawakan ang mukha ko.

"Oh God, what did I do?"

Isang marahang singhap ang narinig kong nagmula sa kanya nang ibaba ko ang nakakakuyom kong kamao.

Nakita niya ang sugat na ginawa niya.

Nagkukumahog na tinanggal ko ang seatbelt at kinuha ang aso ko. Pinipilit kong huwag umiyak sa harap niya pero may mga hikbi pa rin na kumakawala.

Hinawakan niya ang braso ko pero tiningnan ko siya ng matalim.

"Don't you dare touch me, ever again." mariin kong saad.

I saw him flinch and took his hand back.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at nag-akmang lalabas.

"Where are you going?"

"Wala kang pakialam."

Narinig ko ang pagbukas din ng pintuan sa tabi niya. Marahil ay susundan niya ako. Tiningnan ko ang mga kamay niyang namumuti na dahil sa lakas ng pagkakahawak niya dito.

"At wag mo kong susundan, ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko. Agad-agad akong lumabas at naglakad palayo sa kotse. 

Habang naglalakad ay marahas kong pinupunas ang mga luha na naglalandas sa mukha ko. Ayokong umiyak, ayokong makita niya na naapektuhan ako sa mga ginawa niya. Ayokong isipin niya na may kapangyarihan siyang saktan ako.

Mula sa kawalan ay biglang may yumakap saken sa likuran.

Napako ako sa kinatatayuan ko.

"Let me go." mahina pero maotoridad kong boses.

Hindi ko sigurado pero naramdaman ko na umiling siya.

"Please lang Mexico, for once in your life, pwede bang irespeto mo naman ako?" kinulayan ng hinanakit ang tinig na kumawala sa akin.

"I'm so sorry. I'm so sorry. Please forgive me." paulit-ulit niyang sinasabi pero hindi pa rin natinag sa pagkakayakap sa akin.

Hindi ako umimik. Alam ko kasi mapapagod din siya. Eventually, luluwag ang yakap na yan at pakakawalan niya ako.

"Niki, I'm so sorry. It was Cade. Nagalit ako nang makita kong parang magkaibigan na kayo and then.."

Napabuga ako ng hangin.

"Wag mong idamay ang ibang tao sa usapan na to Mico. He didn't do what you did to me."

"Well, he better not! Coz I'm gonna kill him with my bare hands if he fuckin' did." saad niya. "Ang lakas ng loob niyang halikan ka, bakit sino ba siya?"

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon