Chapter Twenty-Six Part Two

21.7K 677 14
                                    

Niki

Nakatulala ako at halos di ako humihinga pagkatapos niyang sabihin iyon. Pero teka nga kasi, tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako nabibingi o nababaliw? Yung tipong kabaliwan na nakakakita ka na at nakakarinig ka na ng mga salita pero hindi naman pala totoo?

O hindi kaya nanaginip lang ako kanina, yun bang parang imahinasyon? Yung tipong panaginip habang gising?

Tae naman kasi ang complete bed rest na ito e. Dapat sana nasundan ko siya tapos sisiguraduhin ko kung tama ba ang narinig ko o kung hindi naman, ibubully ko siya hanggang sa umamin siya ng totoong nararamdaman niya kasi baka nagloloko lang siya.

Akmang isasara ko ang mga mata ko nang may mahagip ako sa gilid. Isang malaking frame?

Ibinaling ko ang mata ko sa frame at nakita ko ang mukha ni Mico na nakangiti gamit yung signature smile niya. Napasinghap ako. Sa dulo nito ay may nakasunod pang isa, at isa pa at isa pa. Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto.

Kung hindi sana bawal na tumayo, iisa-isahin ko yung mga larawan. Merong seryoso siya, merong tumatawa, merong nakangiti lang, meron yung nakatulala. Pero ang isa sa pinakahumagip sa atensiyon ko ay yung nasa harap kong frame. Iyon yata yung pinakamalaki, nakablack and white lang yung picture pero para saken ay ang daming kulay nun. Nakatingin siya sa lente ng camera mismo kaya ang dating e, magkaniig ang mga mata namin.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang paborito ko. Kung tutuusin, pareho lang naman siya sa ibang picture pero parang may kakaiba. Merong kakaiba sa mga mata niya.

Sisipatin ko sana sa malapitan kasi malaki ang picture, naisip ko na baka malaman ko kung anong meron pag nasa malapit. Kung anong kakaiba. Naisip ko na baka ayos lang kasi wala naman akong gagawing mabigat. Bibilisan ko na lang para hindi niya ako maabutan.

Tinanggal ko ang comforter mula sa pagkakadagan sa akin at nag-ambang tatayo.

"Hahaha! Pare, sabi ko naman sayo dahan-dahan lang e. Ayan na nga't may pamangkin na ako.."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga paparating na boses. Dali-dali akong bumalik sa dating pwesto at inayos ang comforter pabalik aa katawan ko.

Sakto namang bumukas yung pinto.

"Putek ka Mex!" mahinang hiyaw ni Ruzz nang makita na punong-puno ng mukha nito ang kwarto. "Sagad ka na sa kapraningan tol." umiiling pero nakatawa parin nitong saad. Saka binalingan ang isang picture frame na malapit sa kanya.

"Hi Niki--whoa!?" pati si Rio halos mawalan din ng sasabihin sa bumulaga sa kanya. Nabitawan nito ang supot kaya nagsipag gulong ang mga duhat.

Napansin iyon ni Ruzz kaya tumakbo ito para habulin ang mga prutas. Kakamot-kamot ng ulo nang mapansin na siya lang ang nagpupulot.

Si Ichiro lang ang walang naging reaksiyon sa kanila. Nakatingin lang ito at ngumiti. Pagkatapos ay lumapit sa akin.

"Hi Niki, hindi ka naman naaalibadbaran na ito ang mukhang nakikita mo araw-araw?" nakatawang saad nito.

Medyo naiilang man dahil ang huli kong ala-ala sa mga ito ay ang pagsubok sa dagat, ngumiti din ako ng banayad at umiling.

"Gusto ko nga po e." saad ko pa.

Isang mahinang tawanan ang narinig ko sa likod ni Ichiro kaya nagtataka ang mga matang hinanap ko si Mico. Nakikipagtawanan din siya pero nang magkasalubong ang mga mata namin, biglang namungay ang sa kanya at kumislap.

Ngumiti ako.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin nang hindi nababali ang tinginan namin.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now