Chapter Sixteen Part Two

19.7K 717 3
                                    

NIKI'S POV

"So Niki, kelan ang kasal?" untag ni Ruzz sa akin noong nagtipon kami sa lanai. Dito kasi nila napagpasyahang tumambay since mahangin daw at makikita ang malawak at puting baybayin. Kumpara kasi sa Villa, sobrang malapit ang dagat sa bahay na ito, di hamak na mas maliit nga lang.

Tumingin ako sa gawi nito. "Bukas na." nahihiya kong turan. Hindi ko sigurado kung bakit pero medyo hindi ako komportable na minadali ang kasal namin.

Napatingin sa akin ang tatlo.

"Isn't that a little too fast?" tanong nung isa na tinawag nilang Ichiro kanina.

"May dahilan ba kung bakit kayo nagmamadali?" naguguluhang tanong nung isa na pangalan ay Rio.

"Buntis ka?" hindi makapaniwalang usal naman ni Ruzz.

Namula ako. Hindi ko alam kung sino ang unang sasagutin at lalong tumigang ang lalamunan ko sa akusasyon ni Ruzz.

"No, no, and no." biglang singit ng kararating lang na si Mico. Napansin niya siguro ang panggigisa sa akin ng mga kapatid niya kaya kahit na nagpaalam siyang magbabanyo lang ay agad-agad ding bumalik.

"Sayang, akala ko pa naman magkakaroon na ako ng pamangkin." natatawang turan nito.

"Wag kang mag-alala Ruzzia, after nine months ikaw ang kukunin kong baby-sitter pag kailangan naming maghoney-moon ulit ni Niki." nakangiting wika ni Mico.

Hintakot na tumingin ako sa gawi niya. Seryoso ba siya? Mag-aanak kami agad? Walang trial and error period? Kailangan bukas na talaga dapat mabuo ang bata?
At ano pa raw? After nine months honeymoon ulit?

"Mico, pagpahingahin mo naman ako." mahina kong bulong, kaso may sa pagkapaniki yata ang tatlo at lahat sila ay nagsipaghalakhakan.

"Oo nga naman dude, bata pa si Niki. Wag mong masyadong pagurin." ganti din ni Ruzz.

Napangiwi si Mico pero malambot ang mga mata niya ng tumitig sa akin. Parang may kung anong hila ang dala ng mga matang iyon at hindi ko magawang bitawan ang tingin niya. Isang marahang tikhim ang bumuwag sa nakakailang naming titigan.

"Tama na lovebirds, we'll have ants crawing through our pants of we stay here." ito ay galing kay Rio na natatawa na lang sa mga ginagawa namin ni Mico.

Pero pagbaling ko ng tingin sa kanya, may kung ano akong nabasa sa mga iyon. Paninibugho? Kalungkutan?

Nagtatakang ibinalik ko ang tingin kay Mico, nagbabakasakali na napansin niya rin kung anong nakita ko, pero nakatawa lang siya habang pinapasadahan ng tingin ang mga kapatid niya.

Halatang masaya siya na makita ang mga ito. At mukhang magiging maayos din kasi andito sila, samantalang ako, wala na nga si Lola Sabel, hindi pa makakapunta si Ally. Nagsulat sila na medyo hindi raw kagandahan ang pakiramdam ni Lola at busy din si Ally sa trabaho. Hindi kasi namin sinabi kung ano ang okasyon, akala lang nila ay simpleng bakasyon ang gagawin namin.

Isa pa, natatakot ako na hindi nila mapigilan ang sarili at bigla ay may masabihan sila, lalo't nagtatrabaho sa kompanya ng tatay ni Mico si Ally.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Ruzz at inilahad ang kamay sa akin.

"Come little sister, let's?" parang batang turan nito bago itinuro ang dagat. Tumingin ako kay Mico at nakita ko ang pagtango niya.

Natutuwang inilagay ko ang kamay ko sa malalaking palad ng magiging kapatid ko at sumunod sa kanya patungo sa puting buhangin.

Pareho kaming nagtampisaw sa tubig at gumala sa baybayin. Hindi ko mapigilan ang tawa ko nang bigla niya akong hilahin papunta sa gitna nang dagat. Medyo sinusuntok ko pa siya nun para mabitawan niya ako kaya hindi namin napansin ang pagdating ng isang malaking hampas ng alon.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora