Chapter Seven Part Two

22.2K 646 16
                                    

NIKI'S POV

Tamang hinala

Ibinaba niya ako sa sahig ng tree-house. Medyo may mga alikabok na pero mukhang maayos naman ang mga gamit. Grabe, may sariling kama pa talaga? Sino kaya ang may-ari nito.

"Mico, kanino yung tree-house?" tanong ko sa kanya. May mga tumataginting na kung ano sa loob ng kwartong pinasok niya kaso pinagbawalan niya akong pumasok doon. Private Property daw. Tss. May araw din yan saken. 

"Sa akin." saad niya.

"Sayo?" parang hindi ako makapaniwala na may ganito siya. Parang hindi nasa kanya na magpatayo ng tree-house. Yung batang Mico na naiimagine ko, yung tipo na nakakulong sa kwarto, naggegames or kung hindi naman yung tipo na nasa labas palagi ng bahay.

"Well technically not mine. Kay Nigella. But since hindi na siya pumupunta dito, I guess its mine now."

Wow! Akalain mo yun? Kapangalan ko pala yung may-ari ng bahay-bahayan na to. Swerte naman. Edi kung yung Nigella na yun ay di na pumupunta dito, baka pwede kong hingin na lang kay Mico? Baka pwede ko namang sabihin sa kanya ang tunay kong pangalan. Ngayon lang naman e, parang kaibigan na din naman kasi ito. Maiintindihan naman siguro ni Lola Sabel. Ayaw niya kasing gamitin ko ang totoo kong pangalan. Kahit sa school pinagbawalan niya. Hindi ko nga alam kung bakit. Para raw sa sarili kong kaligtasan.

"Nigella? Sino yun? Kapatid mo?"

Narealize ko, maliban dun sa nakasayaw ko sa club, wala pa akong nakikitang kamag-anak ni Mico. Parang mag-isa lang siya palagi sa buhay.

Hindi siya umimik sa loob.  Akala ko nakatulog na kaya tinawag ko. 

"Mico.."

"Hmm?"

"Sino si Nigella?"

"Wala, wag mong intindihin yun."

"Sige na naman. Friends naman tayo diba?"

"She's nobody. Bakit mo ba tinatanong?"

"Kasi.. Pwede ko na lang bang hingiin tong tree-house, kapangalan ko naman siya e."

Bigla siyang lumabas sa kwarto.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, hihingin ko na lang--"

"No!" marahas niyang turan.

Napamulagat ako. Kailangan sumigaw?
Edi wag! Sa kanya na! Kainin niya.

"I mean, no, not that--" mas mahina na ang boses niya.  "What's your true name?"

Hindi ko sana papansinin kaso parang sobrang isip bata kaya sinabi ko na lang yong totoo..

"Bawal sabihin e, nangako ako kay Lola Sabel."

"But you said, kapangalan mo si Nigella." saad niya. 

Naguguluhan ako sa sinasabi niya kaya nanatili akong walang imik. Hinihintay ko na lang na klaruhin niya saken kung bakit nagkakaganun siya sa Nigella na yun. Nung nanatili siyang tahimik, ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Mahal mo ba yun? Girlfriend mo ba yun?" tanong ko.

Nakatingin pa rin sya saken. 

"Asan ang mga magulang mo?" tanong niya ulit.

"Patay na! Ano bang nangyayari sayo Mico!" sigaw ko. Medyo kinakabahan ako sa klase ng pagtatanong niya saken. Ano bang gusto niyang palabasin?

"Your mole Niki, is it there before?"

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now