Chapter Nine

21.1K 547 2
                                    

NIKI'S POV

Bumuntong-hininga ako saka muling ibinalik ang tingin kay Cookie na nasa baba ng puno at naghihintay.

Malamang kahit siya napapagod na rin.

Kasi ako nga pagod na pagod na.

Isang linggo na akong bumubuntong-hininga.

Kasi isang linggo na rin mula ng huli kong makita ang anino ni Mico. At pagod na pagod na ako kakahintay na isang araw, lalabas na lang siya sa tree-house gaya ng dati. 

Feeling ko ngayon, hindi na kumpleto ang  araw ko kapag hindi ko siya makita. At naaasar ako kapag nangyayari yun. Kasi bakit ko ba siya hinihintay in the first place?

Para akong adik sa inaasta ko ngayon.

Ano bang pakialam ko kung umalis na siya at iniwan niya na ako at nagsawa na siya saken?

Saka, bakit ba parang mga malaking kamay na pumipiga sa puso ko kapag naiisip ko na binisita niya si Nigella kaya siya nawawala?

Taeeeeee!!!?

Nasabunot ko ang buhok ko dahil sa inis.  Dapat nakikipaglaro ako kay Cookie, o di kaya dapat lalayas din ako para quits kami.

Tinunton ng mga mata ko ang daan patungo sa dagat. Medyo masukal nga, at ayaw niya na mag-isa akong pupunta pero wala naman siya kaya anong magagawa niya? Kung gusto niya akong pigilan, di dapat andito siya sa tabi ko.

Bumaba ako mula sa taas ng tree-house. Alas nuebe pa lang naman ng umaga, babalik na lang ako bago magtanghalian. Pinitik ko ang dalawang daliri ko para tawagin ang atensiyon ni Cookie. Mas mabuti na rin na may kasama ako para hindi ako matakot na mag-isa.

Sinipat ko ang kabuuan ng bahay. Last chance Mico, magpapakita ka o hindi? Nang wala akong makitang tao, sinimulan kong tahakin ang landas.

Masukal lang pala siyang tingnan sa taas pero maayos naman kapag nasa daan ka na.

Habang naglalakad ay kinakausap ko pa si Cookie. 

"Sa tingin mo ba nagsawa na talaga saken si Mico?"

Umungol-ungol ito na parang sinasabi na hindi niya alam. 

"Pero okay naman kami last time ah. Nakaunan pa nga siyang natulog sa binti ko e. Bagong ligo naman ako nun kaya sure akong di ako nangangamoy." saad ko pa.

Nabubuang na yata ako at aso na kinakausap ko ngayon.

Mga ilang minuto na rin ang lumipas nang mapansin kong tumigil sa paglakad si Cookie. Ipiniling nito ang mga tenga sa kabila na parang nakikinig sa kung ano. Sinundan ko ang tingin niya pero wala akong makitang sinyales na may buhay na nilalang sa parte na iyon ng bukid.

"Cookie, here boy. Tara na." inilipat niya ang tingin sa akin saka naglakad na muli na parang walang nangyari. Umismid ako. Parehong-pareho ng amo niya.

Ititigil ang mundo mo tapos biglang parang wala lang! Nakakabanas! Bakit ko ba siya laging naiisip kasi!

Malayo pa kaya? Parang pag nasa taas ka hindi naman kalayuan ang dagat, pero pakiramdam ko kanina pa ako naglalakad at wala man lang akong makita ni maamoy na dagat.

Di kaya nawawala na kami? Pero imposible naman, nasa trail naman kami ni Cookie e. Teka nga, speaking of Cookie.

Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong nakita. Saan na nagpunta yun? Di man lang nagpaalam. Nagmana talaga sa amo niya! Naku, pag makita ko lang yun, kukutusan ko talaga! Silang dalawa ni Mico.

"Cookie! Asan ka?" sigaw ko sa gitna ng gubat. Wala akong ibang marinig kundi ang kaluskos ng dahon dahil sa ihip ng hangin. 

"Cookie! Lumabas kang aso ka! Oras na makita kita, hinding-hindi na kita itatabi sa kama, sige ka." pagbabanta ko pa. Kaso nagmukha lang akong bobo sa pandinig ko kaya itinigil ko na lang ang kasisigaw.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now