Chapter Seventeen

18.5K 692 12
                                    

NIKI'S POV

Pagkatapos naming kumain, inilibot niya ako sa buong mall, ang dami niya ring pinamili na bagong damit. Hiyang-hiya lang talaga ako nung magawi kami sa lingerie section. Hinahawakan niya yung isa, sinisipat kung malambot saka titingin sa akin ng malagkit.

Nakatingin yata sa amin lahat ng saleslady dun dahil na rin sa mukha niya. Lalo pa akong namula nang bulungan niya ako na kumuha ng maraming thong at piliin ko daw yung mga dark colors para mas ma-emphasize ang kaputian ko.

Inirapan ko na lang siya saka bumaling sa babae na kumukuha ng napili namin. Naghahagikhikan pa ang iba sa tabi kaya bumaling ako sa kanya na masama ang tingin.

Ngumuso siya. "What?" naguguluhan niyang tanong.

"Galit ako sayo." simple kong turan. 

"Why? Because of the lingerie? You don't have to follow me if you don't want to,you know?" nakasimangot na siya ngayon at halatang naiirita.

Bumalik ang tingin ko sa mga babaeng bungisngis ng bungisngis, akala mo mga bata. Nasusuyang tumingin ulit ako sa kanya. Nakita niya yata ang pagtingin ko sa kumpol ng kababaihan kaya nakangisi na siya.

"Galit ka kasi type nila ako? Nagseselos ka?"

"Hmp!" saad ko sabay irap.

Hinila niya ako dahilan para mapaupo ako sa binti niya.

"Galit ka kasi gwapo ang mapapangasawa mo?" natatawa niyang turan. 

"Bakit kapag may ibang lalaki na lumalapit saken kaya mong itulak palayo, tapos ako hindi pwedeng sungkitin ang mga mata nila?" naaasar kong turan.

"You can always punish me." he breathed.

Naghurumentado ang puso ko.

"Magaling ka diyan pero hindi ako marunong ng mga ganyang bagay."

"Don't worry Niki, I'm gonna teach you everything." saad niya pa. Lalong nagwala ang puso ko sa loob ng katawan ko.  Bibigwasan ko sana siya dahil sa pinaggagagawa niya saken nang sakto namang dumating yung saleslady na may dala ng mga pinamili namin. Kukunin ko sana ang iba para hati kami ng tapikin niya ang kamay ko.

"I'll get these."

Hinayaan ko na lang para hindi na magtagal pa ang usapan. Di rin naman siya papayag e. 

Iniwan niya ako sa labas ng city of fun kasi mag-aarcade daw kami. Inuna niya na ang mga bag sa kotse para di na rin kami mahirapan mamaya.

Naghihintay ako at tumitingin sa loob ng isang cafe ng biglang may makabungo akong babae. Pagtingin ko, nakangiwing mukha niya ang bumulaga sa akin. Marahil ay nasa edad na siya ng apatnapu o mahigit pero maganda siyang babae. Balingkinitan ang katawan at maputi kaya naisip ko na marahil ay dayo lang siya dito. Mukha ring mamahalin ang mga suot niyang damit.

"Pasensiya na ma'am." hingi ko ng paumanhin. Nasaktan yata siya kasi bigla na lang nagluha ang kanyang mga mata pero hindi pa rin umaalis ng tingin sa mukha ko. Napansin kong nanginginig ang kanyang mga kamay kaya ikinuyom niya iyon.

"Okay lang ho kayo?" nag-aalala kong tanong. Kakaiba kasi ang kinikilos niya.

Isang marahang tango ang binigay niya bago nanghihinang naupo sa isang bakanteng upuan. Sumunod ako at hinawakan ang kamay niya. Ngayong nakalapit na ako sa kanya, napansin ko rin na medyo namumutla siya.

"Sigurado ho ba kayo na walang masakit sa inyo?"

"Sigurado ako hija." saad niya bago nagpalinga-linga na parang may hinahanap, o pinagtataguan?

Lumingon din ako sa paligid para maghanap ng nakasususpetsang mukha pero wala naman akong nakita. Lahat ng tao ay may kani-kaniyang ginagawa. 

"May hinahanap po ba kayo or may pinagtataguan?" biglang bulalas ng bibig ko.

Parang lalo siyang namutla kaya hinigpitan ko ang hawak.

"Ako hong bahala sa inyo, wag po kayong mag-alala." saad ko para payapain siya pero umiling lang siya.

"Salamat sa tulong mo. Anong pangalan mo?" tanong niya. 

"Niki ho. Kayo?"

"Bernice. Nice meeting you hija."

"Sa inyo din po Ma'am Bernice."

Tumingin siya sa baba ng mall at banayad na napasinghap. Sakto namang tinawag ako ni Mico na nasa harap na ng pintuan ng city of fun.

"Mico!" ganting tawag ko sabay senyas sa kanya na lumapit.

"Wait lang po ma'am. Ipapakilala ko kayo kay Mico, kung prob--" hindi ko na natapos ang sasabihin kasi pagbalik ko ng tingin sa kanya ay nawala na lang siyang bigla.

"Bakit?" tanong ni Mico.

Parang isdang bumuka at nagsara ang bibig ko pero walang lumalabas na salita doon. Itinuturo ko ang lugar na kung saan nakatayo ang babae kanina.

"Halika na, ano bang nangyari sayo?" saad niya sabay hila sa akin papasok sa arcade.  Tumingin ako sa paligid pero wala man lang akong nakita, miski anino ng babae. Sayang naman, feeling ko mabait siya e. Nag-aalala ako na baka mapano siya't lalo halata naman na nagtatago siya sa kung sino.

Sinuyod ko pa ng isang beses ang buong paligid bago tuluyang pumasok sa city of fun. Hindi mawala-wala sa isip ang pakiramdam na nakita ko na ang babaeng nakausap ko kanina at parang pamilyar ang mukha niya sa akin.

*****

----> a/n: excited na si Mico para sa SPG nila. Bwahaha. 😂😂😂😂

I need help babies. Kelangan ko ng inspirasyon, kelangan ko makakita ng mga votes at comments. Haha. Love you all anyway!

💋👇👇👇👇

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon