Chapter Twenty-Two Part Two

19.5K 533 21
                                    

Niki

Isinuot ko ang malaking guns and roses tshirt, ipinalalim dito ang hipster maong shorts sabay ipinulupot ang mahabang straps ng 3-inch hells hanggang sa umabot ang bigkis nun sa aking hita. Isang messy bun ang ginawa kong estilo sa buhok ko dahil mas bagay daw ito sa mala-street style kong itsura sabi ni Skye.

Isinuot ko na rin ang malaki kong matte shades at lumabas hawak ang maong na jacket. Napasipol ng marahan ang tatlong naghihintay sa labas ng kwarto habang si Cade naman ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Dapat masanay na ako sa mga malalagkit na titig ng mga kalalakihan pero hanggang ngayon ay asiwa pa rin ako. Pinilit ko na lang ang sarili na umakto na parang wala lang sa akin ang mga pinaggagagawa nila.

"Deym girl, you look hot. Sure ka bang pretend lang ang gusto mong mangyari?"
Sinuntok ko ng marahan ang kamay ni Cade. Kahit ilang beses pa lang kaming nagkikita ay malapit na talaga siya sa akin. Parang ang gaan niyang kasama. 

"Tara na?" saad ko.

"Time for revenge!"

Napangiwi ko. Hindi alam nina Skye at Kamila ang tungkol sa paghihiganti ko. Napansin niya din yata ang pagkalito sa mukha ng dalawa kaya agad din namang binawi ang sinabi.

"Cleavage? Time for cleavage?"

Lalo lang akong napangiwi. Tigil na Cade please.

Natatawa niyang kinuha ang dalawa kong maleta at nagsimulang maglakad palabas.

Bumeso ako kay Skye at kay Kamila pagkatapos ay kinuha ang maliit na katawan ni Kia.

"Come here baby girl."

Nagpakarga siya saken tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Take care Tita Niki." malamyos niyang saad. Sa loob ng dalawang linggo kong pamamalagi sa Costa Marina, siya lang ang nagbigay ng liwanag sa puso ko.

"Take care baby Kia." saad ko rin sabay halik sa tungki ng ilong niya na siyang dahilan para humagikhik siya. Nakangiting ibinigay ko siya kay Kamila.

"Please," hinawakan niya ang kamay ko. "Wag mong sabihin kay Rio na andito ako."

Umiling ako para payapain ang puso niya.

"You know I won't Kami. Problema niyo naman yan."

Tumango siya para sabihin na naintindihan niya. Saka ngumiti din ng marahan.

"Ingat." kumaway sila habang papasok kami ng kotse ni Cade.

Halos maiyak ako sa lungkot. My time with this people can be compared to my time noong simple pa ang buhay ko, noong kasama ko pa sina Lola at Ally.

Ginagap ni Cade ang kamay ko at pinisil iyon.

"Be strong girl."

Tumango ako at suminghot para ibalik ang mga luha sa pinanggalingan nila.

Pagdaka ay biglang sumingit siya sa katahimikan ko.

"Niki, maaalala mo kaya ako next year?"

"Oo naman." sagot ko nalang kasi hindi ko alam kung anong pinupunto niya.

"E next month."

"Oo nga." kunot-noo kong turan.

"E next week."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Tae mo naman. Oo sabi. Bakit ba?"

"Knock, knock."

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017حيث تعيش القصص. اكتشف الآن