Chapter Twenty Part Two

19.2K 594 9
                                    

Niki

Pinasadahan ko ng tingin ang malaking masiyon sa harap ko. Simula nung pumasok ako sa gate ay puro na pamilyar ang lahat ng nakikita ko, patunay na ako nga talaga ang sinasabi nilang nawawalang anak.

I took my luggage from the driver and carried it inside. Kasama ko silang dalawa, both of my parents but I don't want to be near anyone today. Galit ako sa mundo at ayoko na makita sila. Kahit sino sa kanila.

Hindi ko alam kung pano ko nalaman, I just started climbing up the stairs and next thing I knew, nasa harap na ako ng isang kwarto. I tentatively twisted the knob and peeked inside.

The memories that assaulted me almost made me stumble on my feet. Bitter-sweet memories that I knew were part of me since I was a child. Lalong nag-igting ang galit sa puso ko.

I will take my revenge, sa kidnappers, sa pumatay kay Lola Sabel at Ally, to those who have made my life freakin' miserable.

Hinayaan ko ang galit na bumalot sa akin. And again felt the pain immediately go away.

Ipinasok ko ang maleta sa kwarto at ini-lock and pinto. Lumapit ako sa kama na sa palagay ko ay malaki naman para magkasya ako.

Isang marahang katok ang narinig ko sa pinto.

"Niki? Uh, can you open this please?" malumanay ang boses kaya alam kong ang nanay ko iyon.

Napatawa ako ng pagak. Buong buhay ko, akala ko mag-isa na lang ako. Ni hindi ko man lang alam na buhay pa pala sila at may kasama silang ibang Nigella.

"Bakit?" matigas ang boses na tanong ko.

"This has been Nigella's..  Uh, the other Nigella's room since you were gone.."

Pagkasabi niya nun ay nakita ko ang mga bagay na hindi ko napansin nung una, mamahaling damit sa closet, stilleto heels, mga gamit pampaganda.

Kumunot ang noo ko. Yes, she definitely took my life away. At ayoko na na makisawsaw pa.

"I'm just checking out my room, I'm sorry. I'll find another one." saad ko sabay hiklat ng maleta ko palabas.

Hindi ko siya pinansin ng tawagin niya ang pangalan ko. In truth, galit na galit talaga ako at ayaw kong marinig kahit boses niya.

Pinasok ko ang isang guest room at nagsimulang mag-unpack.

May kumatok ulit.

Napabuga ako ng hangin sa iritasyon.

"Don't tell me may tao na rin dito?" hiyaw ko.

"Uh wala.. But if you want anak,  pwede nating ilipat ang mga gamit ni Nigella sa ibang kwarto at ikaw na ang gumamit ng dati mong room." medyo nahihiya ang boses niya ay kahit papano ay naawa ako. They are victims, we all are. And yet, I can't take all the anger away kasi alam ko ang sakit na sasalubong sa akin the moment that I let down my ground.

Binuksan ko ang room at iniluwa nun ang nagmamakaawang mata ng babae.

"No need." mahina kong usal. "I'll be comfortable here. Sa papag nga ako natutulog dati, komportable na ako e." suminghap siya ng marinig ang pinagdaanan ko.

Umikot naman ang mata ko sa imahinasyon. Sus, para papag, maliit na bagay. Mas enjoy nga kasi malamig e.

Akmang isasara ko ulit ang pinto nang ilagay niya ang kamay niya doon. Matalim kong pinagmasdan ang gawain niya.

"Niki, pwede ba tayong mag-bonding bilang pamilya?" nag-aalangan niyang tanong.

Alam ko na sa kalagayan ko ngayon, wala akong madadalang mabuti sa pamilya na ito. Alam ko rin na malalason ko lang sila ng galit ko kung hahayaan ko na maging malapit sila saken.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now