Chapter Thirteen

19.4K 564 6
                                    

NIKI'S POV

"Dito mo na lang ako ibaba." saad ko kay Nigella nung makarating kami sa crossing.

Medyo malayo pa pero hindi ko na kinaya ang katahimikan sa loob ng kotse. Mula nung sabihin niya na fiance siya ni Mico at hindi niya ito pakakawalan, parang may kakaibang enerhiya ang namayani sa loob.

Parang kinakapos na ako ng hangin kaya mas pinili ko na lang na bumaba at tahakin ang bahay ng naglalakad. Sanay naman ako e. Kaso gabi na ngayon kaya medyo delikado.

Ganun pa man, kapag iniisip ko na makakasama ko pa siya ng matagal, baka magka-altapresyon ako.

Binuksan ko ang car door at lumabas.

"Salamat ulit." pahabol ko bago akmang isasara ang pinto. Pero mabilis niya itong hinawakan at tumingin saken.

"Mag-iingat ka Niki." kinilabutan ako.

Yung totoo? Horror ba itong si Nigella at ganito ang pakiramdam ko? O baka naman, nasosobrahan lang ako sa aktingan. Pinagkibit-balikat ko na lang ang nararamdaman at nagpatuloy sa paglakad. Nakita kong humarurot na siya ng takbo pagkatapos kong umalis. May sa bipolar ba itong si Nigella? Kanina para kaming nasa prusisyon kung magpatakbo tapos ngayon para na siyang nasa car racing event.

Umiiling na dumiretso ako sa daan papunta sa amin. Kakaiba talaga ang mayayaman. Ang daning mga eccentricies.

Naniningkit ang mga matang naglakad ako sa madilim na daan. Bakit parang may kakaiba sa lugar namin? Medyo mas madilim tapos mas delikado tingnan.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Walang katao-tao na makikita. Kung mahilig lang akong manuod ng horror, malamang iisipin ko na haunted town ang lugar namin.

Para malibang at hindi matakot, kumanta ako. At inalala si Mico.

Kapag naaalala ko kasi siya, biglang lumalakas ang loob ko. Parang kaya kong gawin lahat kasi alam ko na nasa likod ko lang siya.

Pagtingin ko sa likod ko, walang tao.

Wala pala.

Akala ko lang meron pero wala. Akala ko lang pala lahat.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Wala akong pera, wala akong bahay at ang meron na lang saken ay sina Lola Sabel at Ally. Kahit sinabi ko kay Mico na makikitira ako kina Ally, alam kong sa loob-loob ko, hindi ko magagawa iyon. Nahihirapan na siya ng hindi ako dumadagdag. Lalo namang walang pag-asa pag kay Lola Sabel, ospital kaya yun. 

Mula sa kawalan ay biglang may mahinang atungal ng aso akong narinig.

Muli kong nilibot ang tingin, at sinubukang alalahanin kung bumaba ba ako sa tamang lugar.

Tama naman. Umikot, dumiretso, kanan, kaliwa sa pangatlong kanto, diretso ulit tapos crossing. Unless, nagbago na ng ruta?

Naisip ko na parang ang bobo ko na bumaba ako dito. Dapat sana sa harap na lang ng bahay. Mas gugustuhin ko pa na makasama si Nigella kaysa sa madilim na parte na to ng mundo.

May isang malaking puno ng balete ang tumambad sa akin.

Teka nga, may punong balete ba dito dati? Sinipat ko ang puno. Sa sobrang laki nito, siguro magkakasya dito ang municipal hall.

Umalolong ulit yung aso, ngayon, mas malakas at mas malapit na ito sa pandinig ko. Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok pati na rin sa kamay.

Naisip ko kung anong mga nilalang ang pwedeng magtago sa puno na iyon. Kapre, multo, white lady, tiyanak at kung anu-ano pa. Dapat hindi ako bumaba dito e!! Ang bobo ko.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon