Chapter Eleven Part Two

21.5K 544 58
                                    

MEXICO'S POV

Isang mariing hindi ang binitawan ko nang narinig ko ang kahibangan niya. Yes, Niki could be such a pain in the ass. She never fail to turn my world upside down.

And she did turn it, God she did. Parang pakiramdam ko biglang bumaliktad ang mundo ko. Para akong si pluto na biglang napunta sa orbit ni neptune.

Sumimangot siya pero hindi na nagsalita. Alam ko iniipon niya ang lakas niya para makipag-bangayan sa akin. She won't give up unless I say yes and I don't have any intention of saying yes at all.
Magbubungguan kami ng sungay pero hinding-hindi ko siya papayagang umalis.

"Manang, ayoko na ho.." pagtanggi niya sa sunod na subo ng pagkain na ibinigay ni Manang Trina.

Tiningnan ko ang plato, halos kalahati pa lang ang naubos niya. Palihim kong sinipat ang katawan niya, masyadong balingkinitan. Parang hindi man lang ako mag-eeffort kapag binuhat ko siya sa oras na kinasal... 

KASAL? 

Umiling ako. What the heck?  Bakit ko iniisip na ikakasal kami. Nababaliw na ba ako? Siguro dahil sa stress sa kompanya kaya iba-iba na ang naiisip kong pwedeng mangyari.

Not that Niki is not marriage material, in fact now that I think about it, if ever I would want to marry someone, it would be her.

Too bad I don't want to marry at all. Ever.

Naalala ko si Nigella.

'Pero Mex, if Nigella is not in the contract would you marry her?" isang araw ay biglang natanong ni Ichiro.

Napaisip ako.

"I might." pagdaka ay sagot ko. "I mean she's such a sweet girl and makikita mo naman sa kanya na sobrang bait niya diba? She's like a saint. Almost."

"So the only reason that you won't consider her is because she was chosen by Father." pagkaintindi niya sa sinabi ko.

Is that it? Dahil nga ba sa pinili siya ni Dad kaya hindi ko siya kinokonsidera? Is it because Niki was so different from Nigella kaya I have this pull to be with her? Is it because I know that there is no future with Niki kaya ako andito, nag-alala, nag-aalaga, nagpapakasaya kasama siya? Because she's a forbidden fruit?

Damn, I hate psychology.

Kung ako nga hindi ko maintindihan ang sarili ko, paano pa ang ibang tao?

Ibinaling ko ang tingin kay Niki at mataman siyang pinagmasdan. This strip of a girl. If what I am asking myself is true, why then, of all the girls that surround me, siya ang pinili ko?

Nakita kong umiiling na tumayo si Manang Trina.

"Hay nakung bata ka. Wala ka na ngang laman hindi ka pa kumakain ng mabuti."

Lumabas si Manang na dala-dala ang tray ng pagkain. Nakatunganga si Niki sa isang parte ng kwarto. Ako naman, nakatingin lang sa kanya.

Ako ang unang bumasag sa katahimikan. 

"Niki--"

"Please. Gusto kong mapag-isa." habol niya bago ko pa masabi ang sasabihin.

"Why?"

Tumingin siya saken na parang nasiraan ako ng bait.

"Kailangan ba may dahilan kung gusto kong mapag-isa?" mataray niyang sagot.

"Kailangan may dahilan pag ako ang pinapaalis mo." sagot ko naman.

Lalong nanlisik ang mga mata niya.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now