Chapter Nineteen Part Two

19.4K 584 15
                                    

Niki

Magulo ang isipan ko. Ni hindi ko na alam kung ilang minuto akong nanatili sa pagkakaupo bago ko napagpasyahang bumaba sa kusina at kumain. Kumakalam na ang sikmura ko.

Walang katulong sa bahay na ito kaya kami ni Mico ang nag-aalaga sa sarili namin. Total naman daw kasi babalik din kami agad sa Maynila kaya hindi na siya nag-atubili pang mag-hire ng kasambahay.

Nagluto ako ng bacon at egg at inilagay ito sa isang bun na nakita ko sa fridge. Nagsalin din ako ng malamig na gatas na mula sa karton.

Nasa akto ako ng pagkain nang biglang may bumukas ng pinto.

Si Mico! Hiyaw ng isip ko. Humahangos na tumakbo ako papunta sa living room para salubungin siya. Kung ano man ang nagawa ko, magsosorry na lang ako hanggang sa mapatawad niya ako.

Pangako na susundin ko siya sa lahat ng gusto niyang mangyari at tutulungan ko siya hanggang sa maging maayos kung ano man ang sira na nadala ng hindi ko pag-amin ng totoo kong pangalan.

Napasinghap ako sa gulat nang biglang pumasok doon, hindi ang pamilyar na bulto ni Mico kundi ang ama niya na si Pyre Montereal.

"Niki.." tawag niya sa akin.

Pumikit ako sabay ngiti ng malamya. Hindi ko gusto ang aura na dala niya, lalo't parang pakiramdam ko pag andyan siya ay kailangan kong tumakbo ng tumakbo hanggang sa kaya ko.

"Sir." bati ko din.

Kumislap ang mga mata niya dahil sa walang tunog na tawa.

"Come on, you should call me Father now. Congratulations pala." saad niya.

"Hindi kayo galit?" nagtataka kong tanong.

"Hindi, bakit mo naman nasabi?" halatang nagulat ito sa sinabi ko.

Parang may mali. Sabi ni Mico, magagalit daw ang tatay niya.

"Lemme guess, sinabi ni Mexico?" saad niya na nakatawa. Sinisipat niya ang rose  na binigay ko kay Mico kahapon. Nakalagay ito sa vase.

"O-opo." nauutal kong sagot. Sinabayan ko pa ng tango.

"Hahaha! Nakakatawa talaga siya. He will do everything, even tell lies para lang matuloy ang mga plano niya."

Kumunot ang noo ko. Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi sinungaling si Mico! 

"Alam kong nasa kanya ang loyalty mo Niki, kaya hindi kita pipilitin. I just want you to know everything. Para naman hindi ka iyong bobo sa larong ito." nakangisi niyang saad sabay tanggal sa isang petal ng rose. Nilagay niya iyon sa baba ng vase.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" nanginginig ang mga tuhod ko kaya naupo ako sa sofa at humarap sa kanya.

Gusto kong sumigaw na bitawan niya ang rose na iyon pero habang pinapanood ko ang manicured niyang kamay, hindi ko matanggal ang fascination sa ginagawa niya. Parang isang cobra na manunuklaw pag tinanggal mo ang mga mata mo sa kanya.

"Mexico is a very ambitous man. Gagawin niya lahat para lang mapasakanya ang mana niya and magagawa niya lang iyon kapag pinakasalan niya si Nigella."

Kaya nga ho e! Hindi niya pinakasalan si Nigella. Ako ang pinili niya, ibig sabihin ay mahal niya din ako.

"Malamang iniisip mo na ikaw ang pinili ni Mexico dahil mahal ka niya, but no. What you don't know Niki is that, ikaw ang tunay na Nigella."

Napaawang ang bibig ko sa gulat at halos hindi ko na maisara iyon. Hindi to totoo. May Nigella naman ah, at hindi ako yun.

"Hindi yan totoo. Simpleng tao lang ako.  Hindi ako..."

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now