Epilogue

34.6K 766 66
                                    

Niki

After four years...


"Tingnan mo yan. Mico! Dito ka lang sa tabi ni mommy." tawag ko sa batang makulit na ngayon ay nagtatampisaw na sa mga alon sa dalampasigan. Andito ulit kami sa Costa Marina sa Catanduanes. Ito yung lugar na pinuntahan ko noong mawala sa akin ang lahat. Ito yung lugar na malapit sa aking puso dahil sa kapayapaan na dala niya sa akin.

"Mama, sama ko si Papalo." saad niya. "Di ako lunod." tumambok pa ang ibabang bahagi ng labi nito na parang nagpapaawa.

Napatawa ako. Hay naku, kahit kailan, spoiled brat ang batang to.


"Dad! Wag mong pababayaan yan, mamaya nasa gitna na yan lumulutang."


Sumaludo si dad at saka iika-ikang naglakad sa tabi ng anak ko. Tatlong taon palang siya pero ang daldal kausap. Minsan iniisip ko na parang matandang espirito ang sumapi sa kanya kapag nagsasalita siya.


"Niki, bilisan mo at gutom na itong mga alaga mo."


Lumingon ako sa gawi ng tatlong palamunin na sumama sa bakasyon namin. Sina Ichiro, Rio at Ruzz. Hanggang ngayon puro kalokohan pa rin ang gawain ni Ruzz, may pinagkakaabalahan naman si Rio na hindi namin mawari at si Ichiro, well,  si Ichiro ay si Ichiro. Mahirap ma-spelling.


Gumuhit ang hapdi sa puso ko. Wala siya dito. Dapat kasama namin siya pero wala siya. Siya lang sana ang kukompleto sa samahang ito.

Bumuga ako ng hangin at tumingin sa langit. Sa tagal ng panahon, dapat tanggap ko na. Pero mahirap.

Inikot ko ang paningin sa paligid. Si mama kausap ni Skye. Si Kia naman ay nasa tabi naglalaro ng buhangin kasama ang mama niya na maya't maya lang ay titingin din kay Rio. Napangiti ako, they all live happy lives. We all do.

Bigla ay umihip ng malakas. Nilipad ng hangin ang binili kong sumbrero para sa bakasyon na ito kaya hinabol ko iyon hanggang sa may dalampasigan. Tumungo ako para kunin ito ngunit naunahan na ako ng isa pang kamay.

Dahan-dahang naglakbay ang mga mata ko sa kabuuan niya. Naka-balat na sapatos, mamahaling pants, designer na polo, matangos na ilong at mapupulang labi. Nang nagtama ang aming mga mata ay halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko. Para akong tinakasan ng lakas dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Mabuti na lang at mabilis siyang kumilos at agad niya akong nasalo.

"Mico.."

"Hi baby." nakangiti siya na parang wala lang.

"Akala ko --"

"Sabi ko naman sayo diba? Makakarating ako."

"Pero kasi nasa Brazil ka.." bulyaw ko sa kanya. Every time kasi na may okasyon, palagi na lang siyang nasa business meeting, either sa France, o sa Germany or Brazil. Nag-expand na kasi lalo ang kompanya dahil pinag-isa na ang Nielsen at Montereal Empire.

"I know. Pero ginawa ko ang lahat para makabalik."

And then he kissed me full in the mouth. Halos mapawi ang ulirat ko dahil sa kasabikan at ganun na din dahil sa tuwa.

"Happy anniversary baby. We'll make more babies later." saad niya pagkatapos ng halik.

Hinampas ko siya sa braso.

"Manyak mo talaga."

"Alam ko. Kaya nga mahal mo ko diba?"

Humagikhik ako habang sumisiksik sa matipuno niyang dibdib. Saka sabay kaming naglakad pabalik. Nakita kong pinalitan na ang pwesto ko ni Skye na abalang-abala sa pagpaypay ng mga barbecue sticks.

"Daddy!!!" hiyaw ng isang bata.

Umungol siya na parang nasasaktan sabay sabi,  "Baby-making on hold." Saka inilipat ang tingin sa tumatakbong si Mico.

Paglapit sa amin ay nagpakarga ito na parang isang unggoy.

"Oooff! Little monkey on the run!" saad ni Mico.

"Hi-yaaa!" sigaw nito na parang akala mo ay nakasakay sa kabayo.

Tumakbo naman ang asawa ko na animo'y tuwang-tuwa na ganun kahigpit ang hawak sa buhok niya ng anak namin. Maya-maya niyan, magrereklamo sa akin na nauubos na ang buhok niya kakakabayo ni Mico. Sabay pupungay ang mata at magsasabi na ako lang daw ang marunong sumakay na hindi siya nawawalan ng buhok. Takteng bastos talaga.

Isang marahang hininga ang pikawalan ko. After all the drama, sa wakas ay dumating ang saya.

I believe now that once in our lives, we will find that someone, who will be a part of us and who will show us that there is really something that we call, forever.

And now, I really did tame a jerk without killing him, that is.

                               -end-

*****

Thank you for reading guys! Hope you enjoyed it. Until we meet again!

Love,

missgladys

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon