Chapter Six

26K 686 36
                                    

The lollipop story all over again..

NIKI'S POV

Pagkatapos ng halos magdadalawang linggo naming pananatili sa ospital, sa wakas ay pinalabas na rin kami ng doctor. Araw-araw din naman akong binibisita ni Ally at si Lola naman, kapag nakakalingat ang taga-bantay niya. Dahil na rin siguro sa mga nangyari kaya nakalimutan ko na birthday ko nung isang linggo. Naalala ko lang nung batiin ako ni Ally. Nagsorry pa at wala raw siyang maibibigay na regalo.

Sabi ko na lang na bumawi na lang siya kapag nakapag-asawa na siya ng bilyonaryo. Ganun pa man, pinilit ko na siyang huwag nang ipaalala kay Lola Sabel at wag na ring ipaalam kay Mico. Nakakahiya na at ang dami niya nang nagastos para sa pagpapaospital ko.

Si Mico naman, well, siya lang naman ang tagapagsilbi ko sa ospital. Pinanindigan niya ang sinabi ko na para makabawi siya kailangan niya akong alagaan. Palaging nagtatanong kung anong gusto ko, palagi akong binibilhan ng mga natitipuhan ko, sa katunayan, talo ko pa ang naglilihi kung makabili siya ng prutas para sa akin.

Instant spoiled-brat ako dahil sa kanya. Pero ngayong nakalabas na kami, hindi ko na sigurado kung anong mangyayari. Hindi na raw ako makakauwi sa bahay kasi sira na raw kaya andito kami sa kotse, papunta sa kung saan mang lupalop ako dalhin ng kasama ko.

Teka, saan nga ba ako dadalhin ng mokong na to? Asar naman e. Kagagaling ko lang sa ospital tapos kung saan-saan na naman ako itatapon. Tiningnan ko siya ng masama kaso pasipol-sipol lang siya na parang ang perpekto ng paligid.

Medyo nababagot na ako sa kakaupo kaya kinuha ko ang bag na padala ni Ally. Mabuti na lang at kilala ako ng kaibigan ko. Malamang may lollipop na naman yung nilagay dito.

Pagbukas ko, ang pinakaunang napansin ko ay ang nakatuping papel. Binuka ko yun at binasa. May mga kakaiba pang kolorete sa paligid nun na parang pinaghandaan niya talaga ang sulat.

Dear Bestfriend,

Hinay-hinay lang kay Mr. Right. Maghunos dili sa nararamdaman. Alam ko na pag-uwi mo, baka na-SPG ka na niya, kaya ayan may baon ka na ring trust. Wag muna pabuntis kaya wag mahiyang gumamit, alalahanin, mahal ang bigas ngayon, pero mas lalo na ang tuition. Eto, lollipop mo para matino ang isip mo. Kapag naubos ang trust, mag lollipop na lang muna kayo. Tae, ang bastos pakinggan. Basta, hindi dapat yun bastos. Ikaw nang bahala sa sarili mo. Mag-ahit ka please, wag mo kong ipahiya. Sabihin pa ni Mr. Right, hindi ako mabuting kaibigan kasi hindi kita tinuturuan. Pag masakit, kagat-labi ka na lang. Matatapos din yan. Remember, loving-loving is better the second time around. Hahahaha.

Ps. Ayusin mo ang tawa ko. Yung pang evil witch! Bwahahahaha.

Namumula ang mukhang ibinalik ko ang sulat sa bag. Anong pumasok sa kokote ng babaeng yun at ganito kung mag-isip?  Ni hindi pa nga kami lubos na magkakilala ni Mico e.

Oo nga, gwapo siya at medyo gusto ko siya pero hindi yun basehan para gawin namin yung --something! 

"Bakit namumula ka?"

Napahiyaw ako at sa gulat ay muntik ko nang mabitawan yung bag. Mabuti na lang nahawakan ko iyon sa hawakan, kaso dahil nakabukas ang zipper, nahulog ang sulat sa sahig ng kotse niya. 

Akmang kukunin ko iyon ng biglang humapdi ang sugat ko. Nasa tagiliran ko kasi siya at sumasakit kapag nasasagi o kapag gumagalaw ang beywang ko. 

"Here, I'll pick it up for you." sabi niya saken. Saka kinuha ang sulat. Kaso sa halip na ibalik saken, inilapat niya ito sa kabila niyang kamay. 

"Hey, give it back." maktol ko. Hindi ko pwersahang maaagaw kasi baka bumukas ulit yung sugat at dumugo.

"I'll give it back after I read it." nakatawa niyang turan. Gamit-gamit niya na naman ang pang-asar niyang ngiti.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now