Chapter Twenty-Four

19K 542 10
                                    

Niki

"Nakita ko siya! Nahawakan ko siya! Buhay siya Cade!?"

Iyon ang kanina ko pang pinagduduldulan sa mukha niya at ang katotohanan na hindi ako isinama ng mga kalalakihan.

Ibig sabihin lang nun, kilala namin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito at ayaw niyang malaman namin kung sino siya.

"Niki, huminahon ka."

Tiningnan ko siya ng masama. Andito na kami, alam kong malapit ko nang malaman ang totoo, maaayos ko na ang buhay naming lahat.

"Hahanapin natin si Ally. Naiintindihan mo? Hahanapin natin siya at siya mismo ang magsasabi sa akin kung sino ang pumatay kay Lola."

Nagpabalik-balik ako ng lakad paroo't parito. Dahil na rin siguro sa paglalakad kong iyon kaya nakaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa sandalan ng sofa at pumikit ang mariin. Parang hinahalukay ang tiyan ko.

"Niki? Are you okay?" pagdilat ko ay nasa harapan ko na siya. Marahan ko siyang itinulak at umikot sa sofa para maupo. Itinaas ko ang paningin ko sa kisame.

"Dizzy."

Hindi ko alam kung anong ginawa niya basta pagbalik niya may dala na siyang malamig na bimpo at inilagay niya na ito sa mata ko.

"Kumain ka na ba?" pagdaka ay tanong niya sa akin.

Natatakot akong magbuka ng bibig kasi baka itapon ko lahat ng kinain ko kaninang umaga kaya nagkasya na lang ako sa pagtango. 

Napaungol ako ng marahan ng mas lalong umuga yung utak ko ginawa kong galaw.

May inilagay siyang kung anong likido sa sentido ko at nilagay din iyon sa may ilong ko. Imbes na makatulong, hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kinain ko sa aking lalamunan.

Tinakbo ko ang kubeta at doon nagpakawala ng mga kinain. Halos maiyak ako sa kakasuka na pakiramdam ko ay ilalabas ko pati bituka ko. Dumalo si Cade sa loob pero pinagsarhan ko siya ng pinto. Nakakahiya naman na makita niya akong ganito.

Tinanggal ko ang amoy na nilagay niya sa ilong ko at nagmumog. Pagkatapos ay lumabas na din naman ako. Mas kalmado na ang pakiramdam ko pero medyo nanghihina naman ako.

"You look so pale, dadalhin kita sa ospital."

Umiling ako at kinuha ang bag na nakalagay sa sofa. Kailangan kong umuwi. Medyo masama parin talaga ang pakiramdam ko.

"I'm fine Cade. Malamang napuno na naman ako ng stress. Uuwi muna ako at magpapahinga."

"I'll bring you home."

Umuo na lang ako lalo't alam kong hindi ko rin kayang magmaneho.

Pagdating namin sa bahay, lumabas siya ng kotse at binuksan ang sa akin. Pagkatapos ay inalalayan ako hanggang sa loob. Nakahawak din ako sa kanya kasi pakiramdam ko ay bigla na lang akong bubulagta sa daan.

"Mex, do you think--"

Napatigil ang boses sa pagsasalita nang makita ako na kasama si Cade. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas na bumalot sa puso ko, basta ang alam ki lang, napatindig ako ng tuwid nang makita ang itsura nilang nadalawa. Nakasuot si Nigella ng isa sa mga damit ko habang si Mico naman ay halatang bagong ligo at nakasuot na ng pang-opisina niya.

Naguguluhang nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Naikuyom ko ang palad sa pagragasa ng hindi ko mapigilang hapdi na bumalot sa buo kong pagkatao.

"Uhm, nice surprise." sinimplehan ko ang tono ko para makita nila na wala akong pakialam sa pinaggagagawa nilang dalawa, pagkatapos ay bumaling kay Cade.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now