Chapter 59

1M 42.5K 50.4K
                                    

Author's Note: Si Michael Aries Fernandez po ay nasa dulo.. Sorry po sa matagal na paghihintay.

Supply

Jay-jay's POV

"Hindi nyo po talaga nakita?" Tanung ko ulit sa maid.

"Hindi po talaga. Pasensya na po Miss Jay." Sagot nya sakin at lumabas na ng kwarto ko.

Kanina ko pa hinahanap yung Batman vs. Superman na T-shirt ko. Binili ko dati yun at dahil sa sobrang pagpapahalaga ko dun, once in a blue moon ko lang kung suotin.

Nailabas ko na lahat ng laman ng kabinet ko pero wala pa rin. Feel ko pa naman ipagmayabang ngayon yun. Andyan na naman kasi yung grupo ni Aries sa Sala.

Hindi ko alam kung anu yung Monkey business nila pero wala si Kiko me'crush.

Me'crush nalang! Hindi na Loves!

At wala rin akong balak lumabas ng kwarto ng hindi ko suot yung Batman vs. Superman kong T-shirt. Pinagtawanan kasi nila tong suot kong bulaklakin na ewan kanina nung makita nila ko.

Kaya kailangan kong magyabang. Habang naghahalungkat may nakita akong pamilyar na short shorts. Favorite ko dati, kaya na-excite akong tignan.

Denim short yung design pero preskong suotin kaya naging paborito ko.

Humarap ako sa salamin at sinipat-sipat yung short habang nakapatong sa harap ko. Muka kasing lumiit na.

Naisipan kong suotin at tama nga ako. Sobrang liit na sakin. Nagmukang cycling shorts na dahil sa ikli.

"Miss Jay..." Tawag sakin nung isang maid. "...May naghahanap po sa inyo sa baba. Classmate nyo daw po. Pinapasabi din po na bilisan nyo at ayaw po nila ng naghihintay."

Parang kilala ko na. Mainipin, mukang si Keifer kumag na naman. Umalis na yung maid kaya sumunod ako. Hinayaan ko na yung short na suot ko.

Feeling sexy ako sa short ko!

Napahinto ako sa may Sala ng makitang kumpleto na yung grupo ni Aries. Kasama na si Kiko at Freya'ng bruha.

"Hoy! Lalabas ka ng ganyan?!" Iritang tanung sakin ni Aries.

Tinignan ko yung sarili ko. Wala namang problema. Except sa maikli kong short.

Pero sexy ako dito!

"Wala namang problema----"

"Ang ikli ng suot mo! Palitan mo nga yan!" Utos nya.

Dinilaan ko lang sya at mabilis na naglakad palabas. Bahala sya! Basta sexy ako dito sa short ko.

Paglabas, hindi lang pala si Keifer ang naghihintay sakin.

"Witwiw!" Pito ni Kit ng makita ako.

Sabay sabay pang napatingin sakin yung iba. Si Keifer agad na napataas ng isang kilay. Si Eman naman, hindi malaman ang magiging reaksyon.

"Sexy!" Tawag sakin ni Ci-N habang nakatawa.

"Puti ng legs!" Sabi ni Eren.

Nag-uumpisa na kong makaramdam ng hiya. Pare-pareho na kasi nilang pinag-mamasdan ang legs ko. Sumobra yung ka-sexy-han ko.

"B-bakit kayo nandito?" Tanung ko.

"Bibili tayo ng supply. Sabi mo sakin tutulungan mo ko." Sabi ni Eman.

"Ay oo nga..." Tinignan ko sila Ci-N. "...bakit kasama pa sila?"

"Gusto naming sumama." Sabi ni Kit.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon