Chapter 61

1M 40.7K 26.5K
                                    

Allowed or Not Allowed

Jay-jay's POV

Hindi ko naramdaman yung lunch. Pati yung luto-luto namin, hindi ko feel. Iniisip ko kasi yung pinag-uusapan nila kanina. Si Kiko daw yung babalikan nila. Ibig sabihin nag-away na naman sila David at Kiko.

Naiintriga ako!

"Jay! Nakikinig kaba?" Tanung sakin ni Eman.

"H-ha?"

"Sabi ko itapon mo na yung mga basura sa labas." Utos nya.

Para akong wala sa sarili na kinuha yung supot ng basura sa harap ni Eman. Kasi naman....

Eto ka na naman Jay!

Tsk! Kaasar naman. Anung mga balak nila?

Paglabas, nakita ko na nagkukumpulan sila Keifer at iba pa. Para bang napaka-seryoso ng usapan nila.

Ng mapansin ako ni Keifer agad nya kong tinignan ng masama kaya bumalik ako sa loob.

Kala mo laging inaano.

Parang may meeting na hindi ko maintindihan. Kanya-kanya kasi sila ng usap. Si David lang ang tanging nanahimik sa upuan nya.

Umupo ako sa pwesto ko at humarap sa kanya.

"David..." Tawag ko sa atensyon nya. "...Anu bang nangyari sayo?"

Nagpilit sya ng ngiti. "Wala to..."

"Anung sabi ng girlfriend mo?"

Hindi ko maiwasang hindi magtanung.

"Hindi nya alam... Nasa Hongkong sila ngayon."

"Nag-away ba kayo ulit ni Kiko?"

Natigilan sya sandali. Para bang inisip pa nya kung dapat ko pang malaman yun.

"Jay... Nililigawan kaba ni Kiko?" Tanung nya.

Napansin kong nakikinig na rin samin yung iba.

"H-hindi... Ayoko munang tumanggap ng manliligaw. Sinabi ko na yun dati diba?"

"Pinagkakalat nya sa mga kaibigan nya na mapapa-sakanya ka. Hindi ko nagustuhan yun, kaya nagtalo kami."

Aaminin ko, nabigla ako sa sinabi nya. Pinagkakalat talaga?! Hindi ko pa nga sya pinapayagan na manligaw. Kamusta naman sya?!

"Seryoso?! Ginawa nya yun?!"

Tumango sya at umiwas ng tingin. Hanep! Ayos din ang lalaking yun. Mukang may tama din sa utak.

Dumating na yung teacher namin at umayos na lahat. Hindi ako mapakali, gusto kong makausap si Kiko.

Mabilis na natapos ang klase namin. Tinulungan ko si Eman na maglinis at ligpit. Kagaya ng usapan namin.

Akala ko sabay sabay kaming uuwi pero pagdating sa gate pinapahiwalay na nila ko.

"Saan kayo pupunta?" Tanung ko.

"Basta... Bawal ka don." Sagot sakin ni Rory.

"Bakit naging bawal?" Tanung kulit.

"Wag na matigas ulo." Pilit ni Edrix.

"Bakit ba ayaw nyo ko isama?"

"Dahil hindi ka nga pwede dun!" Pilit ni Kit.

Kasi makikipag-away lang kayo. Kuwari pa tong mga ulupong na to.

"Pasensya na Jay... Hindi ka talaga pwede dun." sabi ni Ci-N.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon