CHAPTER 7 [DAUGHTER'S DILEMMA]

213K 4K 82
                                    

 CHAPTER 7 [The Daughter’s Dilemma]

[AGA]

“Are you ready Lira?” tanong ni Lan saken habang nag-aayos ako sa harap ng salamin.

Nandito ngayon sa loob ng kwarto ko sina Lan at Chi. Don’t worry harmless sila. Di kami talo. Yung iba naman nasa restaurant na at nag-aayos para sa ‘business meeting’ mamaya. Umupo ako sa kama at tumabi sa kanilang dalawa.

“Honestly?” Tinignan ko silang dalawa at huminga ng malalim bago ulit ako magsalita.

“NO. Hindi ako ready sa mga nangyayari sakin ngayon. I’m Agatha Lira for Pete sake. And here I am preparing for a DAMN ‘fake business meeting’ para makahanap ng lalaking papakasalan ko, na anytime pwede kong i-divorce. Gulong gulo na ko. Hindi ko na nga alam kung ano tong pinapasok ko eh. And I’m sorry guys kung pati kayo na-aabala sa kagagahan ko. Halos isang buwan na kong nagprepretend that I’m cool with this deal…that I can handle it and I don’t hella care kung sino pang poncio pilato ang pakasalan ko! Pero fvck! Torture. Hindi pala ganito kadali. And I’m starting to hate my job.

Yung tipong ayoko ng gumising kinabukasan dahil alam ko na oras na lumabas ako sa pintuan ng kwarto ko, kelangan ko na naman isuot yung mask ko at ngumiti sa mga tao na parang walang problema.”

 I looked up at the ceiling trying to fight back my tears from falling. Hindi ko na napigilan yung sarili ko na magbreak down. Almost one month ko na din tinatago sa kanila yung totoong nararamdaman ko about dito sa deal namin ni Daddy.

After all they are my friend’s kaya hindi na ko mahihiya kahit makita pa nila akong mukang tanga dito na umiiyak. At I’m sure hindi naman nila ko pagtatawanan kapag nagpakatotoo ako.

“We understand you Lira, and we are always here for you” sabi ni Chi at niyakap ako.

“Pero alam mo Lira, yung totoo? ANG OA MO! Tinanong ko lang naman kung ‘are you ready’ nagdrama ka na dyan” sabi ni Lan at ginulo yung buhok ko. Habang si Chi naman pinipigilang tumawa.

Kinagat ko yung balikat ni Chi at binato ko ng unan si Lan.

“Aray naman Lira. Brutal ka talaga!” sabi ni Chi habang hinihimas yung balikat nya.

Binabawi ko na yung sinabi ko na kaibigan ko sila. Bwiset.

“Ito promise seryoso na…” sabi ni Lan na pinupulot sa sahig yung unan na binato ko sa kanya.

“Hindi naman big deal samin yung ginagawa naming pagtulong sayo. Kaya don’t be sorry. And sana wag mo masamain kung ginagawa naming laro yung problema mo. We are just trying to lighten the mood kasi we know na you are having a hard time.” Dylan explained while tucking some hair strands in my ear.

“Thank you guys. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo” sabi ko sa kanila.

“Basta kapag nakuha mo na yung mana mo wag mo kaming kakalimutan” sabi ni Chi at nag-appear silang dalawa ni Lan.

“Chi, nakakita ka na ba ng sapatos na lumilipad? Gusto mo sample?” tinignan ko yung sapatos ko sabay tingin kay Chi.

“Alam mo yung joke Lira?” sagot ni Chi.

“Kung nahihirapan ka na sa deal nyo ni Tito Gary, bakit hindi ka na lang mag-back out?” Suggestion ni Lan.

“I can’t” I told them at tumingin sa sahig.

“Bakit naman? I’m sure maiintindihan ka naman ni Tito.” Pag-a-assure ni Lan.

“Kung inaalala mo yung inheritance mo at career mo, I set aside mo muna yun ang importante ikaw, kung ano yung gusto mo.” pangungumbinsi ni Chi

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon