CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]

195K 3.8K 371
                                    

CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]

This is really is it. The real thing. The real deal. The real life. The real wedding. The real start of their new beginning.

Hindi mapigilan ni Lira na mapangiti sa harapan ng salamin, habang tinitignan ang sarili na suot-suot ang simple but elegant wedding gown; exposing her back, na matatakpan naman daw ng kanyang long trail veil; that is according to her designer, dahil alam nya na conservative ang groom nya. Tapos na syang make-up-an ni Cams, handang handa na syang lumabas ng kwarto nya, sumakay sa bridal car at mag- ‘I do’ sa groom.

“Ngiting-ngiti si Ate!” puna sa kanya ni Dori na kakapasok lang sa kwarto nya para i-check kung ayos na sya.

Hindi katulad ng nauna nilang kasal, magkahiwalay sila ngayon ni Liam. Nasa bahay sya ng mga magulang nya at si Liam naman ay nasa bahay nila kasama din ang pamilya nito. Ang weird lang dahil kung kelan sila kasal na talaga ni Liam saka pa sumunod sa pamahiin ang Mommy nya, na dapat ay sa simbahan na sila magkita.

Umikot pa sya para makita ang kabuuan ng wedding gown nya bago sinagot si Dori. “Well, as you can see I’m just happy and excited and in love and everything. I don’t know what’s exactly I am feeling right now. You know, it’s weird, to think that it’s our second wedding but I can’t help myself but to be thrilled about it. It’s like the first time.” nakangiting sagot nya habang nakalagay ang dalawang kamay sa may dibdib nya na para bang dinadama lahat ng sinabi nya.

“Okaaaay. Kitang kita ko naman kung gaano ka kasaya, and of course, in behalf of the gang, we are happy for the both of you.” nilapitan pa sya ni Dori at niyakap sya.

“Awww. Thanks Dori…”

“Ohh, wag umiyak baka masira ang make-up, sige ka!” pananakot sa kanya ni Dori

“Ano yan? Nag-momoment kayo nang hindi kami kasali?” napatingin naman silang dalawa sa nagsalita. And there, they found Chi with the rest of the gang wearing their stylish suit and gowns; syempre hindi naman ata magpapakabog pagdating sa damit ang mga kaibigan nya. Natawa na lang silang dalawa ni Dori at agad naman na lumapit ang mga kaibigan nila at nakisali sa group hug.

“In fairness, mas lalo kang gumanda! Pinaghandaan talaga” puna ni Nats.

“Ehem! Ladies and feeling ladies *tingin kina Chi at Dylan* let me present to you… my creation!” proud na proud na sabi ni Cams, at nag-bow (lady-like) naman si Lira. Nagtawanan naman sila.

“Anyway, Mrs. Villas, congratulations, for the second time around ikakasal ka ulit kay Liam! Grabe until now, hindi pa rin ako sanay na tawagin kang Mrs.” Sabi ni Dylan habang umiiling.

“Pwede naman kasing Ms. Agatha Lira Fernandez – Villas, yun ay kung masipag kang magbanggit ng mahaba nyang pangalan. Hindi ka tulad ng isa dyan na makukuntento na lang sa pagtawag ng ‘Lira’. Diba Dee?” pang-aasar ni Nats habang nakatingin kay Dee na nananahimik, as usual.

“Ako na naman?” sagot sa kanya ni Dee.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon