CHAPTER 31

192K 3.7K 276
                                    

CHAPTER 31

[Third Person’s POV]

Ilang linggo na ang nakalipas magmula nung encounter ni Lira at nina Alannah sa mall. 2 weeks and 3 days to be exact. 4 months na din silang kasal ni Liam, meaning 2 months to go na lang tapos na ang deal na ginawa nila.

The funny thing is, yung plano nila ni Liam na papalabasin nila na hindi sila nagwork out kaya sila magdidivorce, ay mukang magkakatotoo nga dahil sa sitwasyon nilang dalawa.

2 weeks and 3 days na ding spaced out si Lira. Hindi lang yung samahan nila ni Liam sa bahay ang apektado kundi pati na din ang trabaho nya. Kung dati rati masyado syang lunod sa feelings nya for Liam, ngayon naman ni hindi nya napapansin ang lalaki. Kapag magkakasalubong sila sa ilang parte ng bahay parang hindi nya ito nakikita. Sa trabaho naman, pilit at mabilis na ngiti lang ang ibinibigay nya sa lahat, kadalasan kasi, malayo ang tingin nya at malilim ang iniisip. Sa madaling salita, madalas syang TULALA.

“Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Dee kay Lira.

Nasa dressing room sila, tapos na silang ayusan at sila na lang tatlo nina Nats ang nasa loob, may pictorial sila para sa isang fashion magazine. Alam nila na masyadong naapektuhan si Lira dahil sa nangyaring encounter nito with her mother. Nakwento na rin nina Dee ang nangyari kina Nats, Dylan at Dori, kaya naman lahat sila nang-alala sa kaibigan. Napaka sensitive kasi ng topic na yun para kay Lira kaya naman hindi na nila yun pinag-uusapan kapag kasama si Lira.

“Lira” sabi ni Nats at hinawakan ang balikat nito para makuha ang atensyon.

Nagulat naman si Lira sa ginawa ng kaibigan kaya naman agad syang napatingin sa dalawa saka nag-salita “H-huh?”

“Tinatanong ni dee kung ok ka lang ba?” ulit ni Nats sa tanong ni Dee

Mabilis namang sumagot si Lira

“Y-yes! Of course I’m fine, bakit naman ako hindi magiging ok?” nag-fake laugh pa sya para lang makumpleto ang pag-acting nya.

Nakatinginan na lang ang sina Dee at Nats at sabay na napailing.

“If you say so.” sabi ni Dee sa kanya at hinaplos ang buhok nito. Yun na lang kasi ang magagawa nya ngayon sa kaibigan, ang sakyan ang pagprepretend nito na ok ‘to. 

Kinumbinsi na din nila si Lira na pag-usapan kung anong problema nito, para naman kahit paano gumaan ang pakiramdam nito, pero kahit anong pilit nila, walang sinabi si Lira. Tulad nga ng sinabi ni Dylan, hintayin na lang nila na si Lira mismo ang mag-open kapag maayos na ‘to.

Ilang sandali lang ay lumabas na ang tatlo para sa pictorial nila, hinawakan ni Lira ang braso ng dalawang kaibigan at niyakap ito.

“Thank you” nahihiyang sabi ni Lira sa dalawang kaibigan, alam kasi nya na pati ang mga ito ay naaapektuhan dahil sa kanya. Hindi naman kasi sa ayaw nyang i-share sa mga kaibigan ang problema nya, nahihiya kasi sya sa mga ‘to. Alam din naman kasing may kanya kanya din silang problema ayaw na nyang makadagdag pa. At ang isa pa, hindi pa sya handing pag-usapan. Hindi pa kasi maprocess ng maayos sa utak nya yung mga nalaman nya.

Magkapatid sila ni Alannah Diaz at kasama nito ang Mommy nya. Kung nung una inis, galit at pagkadismaya ang naramdaman nya nung makita silang magkasama ngayon naman iisa lang ang nararamdaman nya, dahilan kung bakit sya palaging tulala at malungkot.

Naiinggit sya kay Alannah. Bago sa kanya ang pakiramdaman na yun. Hindi sya marunong mainngit dahil marunong syang makuntento, at saka isa pa, ano namang ikakainggit nya eh halos lahat naman nakukuha nya?

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon