CHAPTER 29

175K 3.9K 536
                                    

CHAPTER 29 [Out of Reach]

(song: out of reach ~ sabrina)

 [LIAM]

"Don’t worry i can handle this." sabi ni Lira sakin at tuluyan na syang umalis nga bahay.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang hinayaan na tignan na lang sya habang papaalis. Bakit ba hindi ko sya magawang sundan kahit na gusto ko? Bakit ba parang may pumipigil sakin na hayaan syang umalis? Kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito sa kanya. Mabait sya, sobra pa nga. Hindi ko sya gustong saktan pero yun yung nagagawa ko sa kanya.

Nahihirapan din naman ako kapag nakikita ko syang nasasaktan dahil sakin. Ang mas mahirap pa dun, hindi ko naman intensyon na saktan sya.

 Oo, choice kong puntahan si Allanah nung gabing yun at pinaghintay ko sya. Pero hindi ko naman alam na may feelings na pala sya sakin. At Ganun ang magiging epekto nun sa kanya. Tanga ako, aminado din ako dun. Hindi lang tanga, isa pa akong kalahating gago.  

*ring ring ring ring ring

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatwag.

Si Lannah.

*ring ri--

"Lanah?" sagot ko

(Liam, open your tv now. Lagay mo sa channel 29.) utos nya

"Why?" nagtatakang tanong ko

 (Just do it. Your wife is on the news.) sabi nya

Pagkarinig ko noon. Agad kong binuksan yung TV ko at inilipat sa sinabi nyang channel. Saktong umpisa pa lang ng interview ni Lira.  Pinanuod ko yung interview nya ng hindi pinapatay yung call galing kay Lanah, kaya naman tahimik lang kaming pareho habang nanunuod.

Sunod sunod yung mga binato sa kanyang tanong at hindi ako makapaniwala sa mga isinagot nya. 

Magkasama kami na nagpunta sa bahay ni Lanah dahil binati sya nito ng happy birthday. Dahil sa pagod na sya kaya naman nauna na sya sa kotse ko at hinintay na lang ako dun kaya naman kami lang dalawa ni Lana yung nasa picture.

"Sh*t. Bakit kailangan nyang magsinungaling?" mahina kong sabi pagkatapos nung interview nya

(Sira ka talaga. Natural para i-clear yung issue.) sabi ni Alanah

"Bakit kailangan sya pa ang maglinaw nun? Ako yung nasa picture ako dapat yung maglinis nun. Wala naman syang kinalaman dun e." sagot ko

Hindi naman talaga nya kailangan pang gawin yun. Kaya ko namang ipaliwanag sa media yung about sa pictures. Kasi hindi naman talaga totoo yung mga nakasulat dun. Hindi naman kami nagkabalikan ni Lanah at lalong hindi ko niloloko si Lira. 

(Natural na gagawin nya yun dahil asawa ka nya. Liam, kahit hindi sya yung mismong naiintriga, apektado pa rin sya dahil asawa ka nya. Ghad Liam, how can you be so stupid?) naiiritang sabi nya

"Arrggh. Sorry. Hindi na ako nakakapag isip ng maayos. Things are getting more compliacated now." sabi ko sa kanya

(Sira ulo ka kasi. Tss. Hayy Liam, naghanda ka ng isang dinner date para sa kanya for her birthday tapos anong ginawa mo? Nagpunta ka dito to ask me to come back to you. Kung alam ko lang na naghihintay sya sayo sana pinauwi na kita ng maaga.) sabi nya sakin

"Sorry… nawala din kasi sa isip ko." mahinang sabi ko sa kanya

(You should make up with her. If you want i will help you and i will explain to her about what about happened that night.) sabi nya

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon