CHAPTER 35

206K 3.7K 181
                                    

CHAPTER 35

Dahil sa naunahan na si Liam ni Chef Gee sa pagsasabi ng plano nyang pagpopropose kaya naman itinuloy na din nya ang dinner at supposedly proposal night na ihahanda nya para sa asawa. Imbis na sa isang linggo pa sana ang engagement party na pinagpaplanuhan nya, ngayong gabi na lang nila ito ginanap.

Biglaan kung biglaan. Wala na silang pakialam pa dahil sa ayaw na din naman nilang patagalin pa ang pangalawang kasal nila. Totoong kasal, walang halong pagpapanggap at walang deal na namamagitan.

Halos lahat naman ng kakilala nila ay mga nasa high society, hindi na rin sila nahirapan pang imbitahan ang mga ito kahit pa biglaan. Sanay na naman ang mga yun sa biglaang party. Tulad ng pangkaraniwang eksena sa isang paty, madami ang bumati at nag-congatulate sa kanila at nagsabi ng ‘best wishes’ sa kanila.

Magkahalong gulat at tuwa naman ang naramdaman ng mga magulang ni Liam dahil sa mga pangyayari. Sinabi na din nila ang katotohanan. Todo explain pa sila at napagsabihin pa pati na din ang Ate Sophia nila, dahil isa ito sa mga nakakaalam ng ginawang pagpapanggap ng mag-asawa. Pero dahil sa magaling ang convincing power at gumana ang pagiging konsintidorang ate ni Sophia kaya naman hindi na sila pa masyadong sinabon ng mga magulang.

Yun nga lang, pagdating sa pagbabalita nina Liam at Lira ng tungkol sa engagement party na gaganapin noong araw din na yun, bigla din naman nag-iba ang mood ni Sophia at nagtampo sa mag-asawa dahil hindi nya masasaksihan ang engagement nila. Kaya naman nag-insist sya na gawin syang isa sa mga wedding coordinator nila.

Ayaw pumayag ni Liam at baka daw kung ano lang ang gawin ni Sophia sa kasal nya. Pero dahil sa close ang asawa at kapatid nya, wala nang nagawa pa si Liam kung hindi ang pumayag na lang, dahil na din sa pananakot ni Lira na ididivorce sya.

“Hindi mo pa din, ikinacancel ang divorce paper nating dalawa” sabi ni Liam sa asawa habang nasa isang table sila at kumakain.

“Hindi pa” nakangiti pang sagot ni Lira, at uminom ng wine.

Totoo naman talagang hindi pa nya ipinapacancel ang divorce paper nila. Dahil bukas pa nya ito gagawin, hindi pa kasi nya macontact ang pinsan ni Cams dahil busy pa ito.

“Bakit?” kunot noong tanong ni Liam, napatigil naman sya sa pag-hiwa ng steak nya.

“Becauseeee….” Mapang-asar na sagot ni Lira, at inilapit pa nya ang muka sa asawa

“Because whattttttttt?” gaya naman ni Liam at inilapit din ang mukha

“Baka kasi magbago pa ang isip ko at marealize ko na hindi pala talaga kita mahal.” Pagbibiro ni Lira, at saka kumain ng cake.

“Hindi mangyayari yun. Patay na patay ka sakin eh.” ganti ni Liam at pinunasan ang icing na nasa gilid ng labi ng asawa.

“Confident much?” taas kilay na tanong ni Lira

“Bakit hindi ba?” mayabang na tanong ni Liam

“Mali ka po. Sa luto mo ako patay na patay at dun din ako inlove, hindi po sayo” pagtatama ni Lira.

Sasagot pa sana si Liam pero sinubuan na sya ng cake ng asawa.

“Sasagot pa kas—“ papatalo ba naman si Liam? Sinubuan nya din ng cake ang asawa.

Dahil sa sinadya talaga nilang dalawa na lakihan ang cake na isinubo nila sa isa’t-isa kaya naman halos hindi na sila makapagsalita pareho at kunot noo na pilit inuubos ang cake sa bibig nilang dalawa. Gusto man nilang matawa pareho pero hindi nila magawa dahil baka mabulunan sila kapag ginawa nila yun.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon