CHAPTER 15 (V-DAY IN U.S)

205K 4.5K 534
                                    

CHAPTER 15 [V-DAY IN U.S]

[AGA]

"Are you ready?" tanong ni Daddy sakin nung pumasok sya sa kwarto ko para i-check kung nakaready na ako.

"Yes..hmmm, Dad? Ok lang ba talaga na ngayon tayo umalis? I mean Valentines day na bukas, for sure maraming tao sa restaurant ngayon tapos wala ka." sabi ko sa kanya

Ngayon ang alis namin papunta sa U.S para sa kasal namin ni Liam. So it means na dun na kami magcecelebrate ng Valentines day. Syempre nag-aalala lang ako kasi madaming magiging customer bukas tapos wala si Daddy. Saka kasi si Liam din hindi agree na ngayon kami umalis dahil nga madaming tao bukas sa hotel nya, baka daw kasi magkaproblema tapos wala sya. Sina Tito Leo at Tita Aly ang may gusto na ngayon kami umalis para daw sweet kung sa U.S kami aabutan ng Valentines day. Mas makakapagdate daw kami ng maayos dahil walang media at mas sweet daw kasi Valentines day, magkasama kaming nag-aayos ng kasal namin.

"Madami naman sila doon, ok lang kahit wala ako. Saka ipagpapalit ko ba naman ang kasal ng anak ko sa kikitain ko bukas? Come on Agatha, masaya ako para sayo." sabi ni Daddy

"Awww! Ang cheesy mo Dad. Hahaha! Thank you Dad, I love you" niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Hmm… sorry sa istorbo, nasa labas na sina Liam" sabi ni Yaya Rosie.

Muntik ko nang makalimutan na susunduin pala kami ni Liam ngayon. Nauna ng lumabas ng kwarto ko si Daddy ako naman kinuha ko na yung mga gamit ko. Isang malaking maleta at isang malaking bag na nakasabit sa balikat ko. Bumaba na rin ako at nakita kong nag-uusap sina Daddy at Liam sa sala…tungkol sa business na naman siguro.

"Oh, andito na pala si Agatha, mauna na muna ako sa labas. Sumunod na lang kayo ok?" paalam ni Daddy at lumabas na sya ng bahay

Tumingin sakin si Liam ng salubong ang kilay. Tsk! Ang aga aga salubong ang kilay, ano ba to. 

"Good morning, hmm…tara na?" sabi ko sa kanya.

"2 weeks lang tayo dun Lira. Hindi tayo titira dun, babalik din tayo dito." sabi nya.

Hindi ko nagets yung sinabi nya kaya i gave him a confused look.

“I know. So? What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya

Tinuro nya yung mga dala ko. 

"What?" tanong ko ulit sa kanya

"Lira, hindi tayo titira dun, bakit ang dami mong dala? Alam mo naman siguro na may weight limit diba? Saka mahihirapan tayo nyan." sermon nya sa akin

"I know Sir, pina weigh ko na po yan…malaki lang yang mga bag na yan pero magaan lang yan." paliwanag ko

"Tsk! Pwede naman tayong magpalaundry kapag nandun na tayo. " sabi nya

"Ayoko! Hassle pa yun. Ok na to. Saka hello? Hindi ako pwedeng mag-ulit ng damit no. Sir, baka nakakalimutan mo na model po ako? Kelangan kong maging presentable palagi." alma ko sa kanya

"But Lira, sa U.S naman tayo pupunta. Ok lang dun kahit paulit-ulit damit mo, hindi ka magsuklay, simple lang damit mo o kahit wala ka pang make-up. They will not judge you and they don’t care." paliwanag nya

Sabagay, dito lang naman sa Pilipinas masyadong mapuna eh, kapag model ka, kelangan mong panindigan yung pagiging model mo. Kasi may "image" kang pinoprotektahan, kapag lumabas ako ng magulo ang buhok, walang make-up, hindi naka-ayos…ISSUE NA KAAGAD. Hay!

"And you will always be beautiful even without make-up." dagdag nya.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Tsk! Ano ba to, kanina todo sermon tapos ngayon naman pinapakilig ako. 

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now