CHAPTER 26

195K 3.8K 1.3K
                                    

CHAPTER 26

[AGA]

“Happy birthday Ms. Aga” bati sa akin nung mga staff.

“Thank you” sagot ko naman sa kanila.

“Ms. Aga, iuuwi nyo po ba yung mga cake?” tanong sakin nung isa

“Ahh… No. Hindi ko naman mauubos lahat yun e. If you want pwede nyong iuwi.” sagot ko naman sa kanya. Tumango sya at saka umalis na din.

Today is my 24th birthday. Kakatapos ko lang umattend dun sa isang birthday party na inihanda sakin ng modeling company na may hawak sakin, syempre together with my sponsors. Ayun lahat sila nag-bigay ng cake, gift certificates and freebies as a gift. Every birthday ko lang ako gumigising ng maaga. Why? Puno kasi ang schedule ko, kabi-kabila ang guesting, party, at kung ano-ano pa.

And later tonight may fashion show ako, together with my girl friends; Nats, Dori, Cams, and Dee, organized by my two gay friends; Dylan and Chi. It’s a charity event, and for my fans. Every birthday ko ginagawa ko yun. Eto na nga at on the way na ako sa venue namin.

-

“Happy birthday Agatha. I love you.” bati sakin ni Daddy.

“Thank you Superman, I love you too.” sagot ko naman.

“Lira, happy birthday. Naghihintay na yung mga fans mo.” sabi ni ams nung lumapit sakin

“Go ahead and goodluck.” sabi sakin ni Daddy

“See you later Dad.” sagot ko sa kanya saka ko sya niyakap.

Sumunod na rin ako kay Cams para maayusan na nya ako. Binati din naman ako nung iba ko pang kaibigan at ayos na din sila. Si Cams ang punong abala sa pag-papaganda sa amin, si Dori naman sa mga susuotin namin mamaya.

Present si Dad sa fashion show ko at ang Heavenly Food Restaurant ang nag-cater. First time umattend ni Daddy kaya naman nag-prisinta sya na sagot nya yung food. Alam nyo na, nung nag-asawa lang naman ako saka nila nalaman na Daddy ko sya. Speaking of asawa, wala si Liam. Bakit? Syempre alam nyo naman yun. Trabaho na naman.

But, after this diretsyo ako sa hotel nya dahil may surprise daw sya sakin. Back to normal na kasi kami after nung LV event. O sige aamin na ako, medyo threaten ako na nandito na si A.D sa Pilipinas, ewan ko kung bakit. Basta nathre-threaten ako sa kanya, ang laki kasi ng epekto nya kay Liam.

Anyway, isa-isa nang lumabas sina Nats, Dee, Dori at Cams

“Lira, 5 mins and you’re next” sabi sakin ni Chi.

“Ok, thank you Chi.” Sagot ko sa kanya,

“By the way, you look gorgeous, happy birthday.” bati nya

“I know, thanks!” nginitian ko sya

“5, 4, 3, 2, 1. Go go go.” sabi nya at sinenyas na lumabas na ako.

As expected paglabas ko pa lang, nagpalakpakan na yung mga tao. Naka ilang balik din kami sa backstage para magpalit ng damit. Nung last part na, nagulat ako nung biglang naglakad si Daddy sa stage na parang nagmomodel, in his chef uniform ha. Natatawa akong pinuntahan si Daddy at sinabayan syang mag-catwalk. Nung makarating na kami sa harapan nagtayuan yung mga tao at nagpalakpakan. Inabot ni Dylan yung bouquet of flowers kay Daddy at iniabot naman sakin yun ni Daddy. Yun na yung pinaka naging highlight nung fashion show ko. Sa loob ng limang taon ko ng ginagawa to, ngayon lang ako naging masaya ng ganito. The best birthday so far.

“Ihahatid na lang kita” sabi sakin ni Daddy. Alam nya kasing didiretsyo pa ako sa hotel ni Liam.

“Hindi na Dad, take a rest na lang. May dala naman akong kotse.” sabi ko sa kanya habang hinahatid sya sa kotse nya

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon