CHAPTER 11 [ I DO]

200K 4.5K 693
                                    

CHAPTER 11 [I Do]

[LIAM]                

Alas sais na nang hapon, pinapunta ko si Lira sa Liamurtvillas hotel para ipaalam sa kanya yung desisyon ko. Hindi ko pa rin alam kung tama 'tong gagawin ko. Sabi nga ni Sophia, wala namang mawawala kung itatry ko, pero malabo yung sinasabi nya na si Lira ang ‘the one’ ko. 

Matutulungan ko na sya at matutulungan ko din ang sarili ko.Pareho lang kaming makikinabang dito, mabilis lang naman ang anim na buwan.

*tok tok tok

"Come in." sagot ko. 

Bahagyang pumasok si Rob sa may office ko.

"Sir Kurt, Ms. Lira is here. May I bring her in?" tanong nya.  

"Yes please." sagot ko.

Great! She's here. 

Pumasok na sya sa loob ng office ko at dire-diretsyo lang syang nagiko- ikot at pinagmasdan ang kabuuan ng office ko.

"Ang boring naman ng office mo." bati nya sa akin.

"Thank you." sabi ko na lang sa kanya

"Oh. Hi pala."

Tinignan nya lang ako saglit at ibinalik ang tingin sa paligid ng office ko. Tsk! Parang mali ata ako nang magiging desisyon. Hindi ata ako makakatagal dito sa babaeng 'to. Parang hindi sya interesado sa magiging desisyon ko. Samantalang ang pagkakatanda ko last time nung nagkita kami desperada na syang mapapayag ako.

Baka naman nagbago ang isip at ayaw na nya? O baka naman may iba nang pumayag?

"Hmm. So are you done looking around at my boring office?" tanong ko sa kanya

"Yeah, yeah. Buti hindi ka nabobored magtrabaho dito sa office mo." sabi nya habang naglalakad papunta sa upuan malapit sa table ko.

"Hindi naman, sanay na ko e." sagot ko sa kanya

"Ahh! Redundant kasi masyado, boring ka na nga…boring parin yung office mo. Buti pa yung secretary mo medyo may buhay."  sabi nya

"Pinapunta kita dito para pag-usapan ang desisyon ko hindi para punahin ang office ko, are you interested or not?" sabi ko sa kanya.

Para talaga syang si sophia… masyadong madaldal at mapuna. 

 "Ok! Chill… so ano na yung desisyon mo?" tanong nya sa akin

"Pumapayag na ko." sabi ko sa kanya

"Ok." tipid na sagot nya sa akin

"Ok? That's all? Wala ka na bang ibang sasabihin? Bakit parang hindi ka ata interesado sa naging sagot ko?" hindi ko mapigilan magtanong sa kanya.

Parang wala lang kasi, samantalang hindi ko nga alam kanina kung papano ko sasabihin sa kanya na pumapayag na ko na magpakasal sa kanya.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Sumigaw at magtatalon sa tuwa?" sagot nya na parang wala lang.

Tinignan ko sya ng masama.

 "Ok, ok. Masyado ka talagang seryoso. Alam ko naman kasi na papayag ka na." sabi nya

"Pano mo nasigurado?" curious kong tanong

"Wow! I can’t believe na itatanong mo sa akin yan. Seriously Liam where is your common sense now?" halatang nagpipigil sya ng tawa nya nung sinabi nya yun

Tinignan ko sya ng nakakunot ang noo. Hindi ko talaga alam kung ano pinagsasasabi nitong babaeng to.

"Hindi talaga gumagana yung common sense mo ngayon? Fine! I'll explain it to you. Tumawag ka sa akin kanina at sinabi mo na pumunta ako dito ng 6pm, kasi nakapag decide ka na." paliwanag nya.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon