CHAPTER 34 [OF ALL THE THINGS]

222K 4.2K 567
                                    

CHAPTER 34

“OMG. Yun lang ang masasabi ko. Grabe hindi ko kinaya yun.” sabi ni Nats sabay paypay ng sarili gamit ang sarili nyang kamay.

“Eehh. Ang swerte mo girl. Kainggit ka” komento naman ni Dori sabay hampas sa kaibigang si Lira na ngumingiti lang sa mga kaibigan.

Halata naman kinikilig ito sa mga naging reaction ng mga kaibigan nya. At dahil sya si Agatha Lira Fernandez na laging late at nagiging on time lang kapag excited. Tulad ngayon. Nasa Heavenly Food Resto sila, kahit kulang sa tulog, dahil medyo lutang pa sa mga sinabi sa kanya ni Liam at dahil na rin sa hindi pa rin sya makapaniwala na this is it. Ok na halos lahat. Tinawagan nya kaagad ang mga kaibigan para naman ibalita ang mga nangyari.

“Nako ha, yang buhok mo, sa sobrang haba umabot hanggang EDSA, nakikipagsiksikan pa sa traffic. You already!” sabi ni Chi habang hinahaplos ang buhok ng kaibigan.

“So tatawagan ko na ba ang pinsan ko para ipa-cancel ang divorce paper nyong dalawa?” pabirong pagtatanong ni Cams sabay inom nang juice.

“Sabi nga sa kanta ng South Border ‘there’s a rainbow always after the rain’” kinanta pa ni Dylan yung isang lyrics sa kanta at ginamit pang mic ang spoon para sa soup nya.

“So, another wedding to prepare?” maikli pero makahulugang sabi ni Dee. Kaya naman napatingin lahat kay Lira.

“Tama tama. Church wedding naman dito sa Philippines. Exciting yun. Imagine, one of the Philippines ‘IT GIRL’ ikakasal na.” masayang sabi ni Nats

“Ano ba Nats, kasal na diba? Under legal process pa yun. Ang pinagkaiba lang they are married because of a deal.” Patatama ni Dylan.

“Well, it will be great if they get married again. Besides, understood na naman na null and void na yung ginawa nilang 6 months rule, right Lira?” tanong ni Dori

“I don’t know. Hindi naman namin pinag-uusapan ni Liam kung magkakaroon ba kami ng another wedding.” Sagot ni Lira.

“Bakit parang bigla kang nalungkot?” pagtataka ni Chi

“Oh my. Don’t tell me, you’re waiting for him to propose?” panghuhula ni Nats.

Agad naman namula si Lira sa sinabi ni Nats, bigla syang napainom sa juice nya at ginamit ang mahaba nyang buhok para matakpan ang mukha. Kaya naman hindi napigilan ng magkakaibigan na matawa sa ginawa ng kaibigan nila.

“Awwww!” sabi ni Cams

“You’re so cute.” pang-aasar naman ni Dee

Ttingin nga kung paano mag-blush ang isang Aga Fernandez?” panunukso ni Dylan at pilit namang sinilip ni Chi ang mukha ni Lira

“Argh. Shut up” nahihiyang sabi ni Lira.

“Looks like somebody’s hoping.” pang-aasar ni Cams

“Ohh please. Are you really my friends?” natatawang sabi ni Lira.

“Malay mo naman pinaghahandaan na ni Liam yung proposal nya sayo diba?” pag-checheerup ni Dori

“Hay nako, don’t listen to her. Dorina, wag mo nga binibigyan ng false hopes si Lira” pangongontra naman ni Chi.

“Mabuti pa wag muna nating pag-usapan yung tungkol sa wedding na yan. Tutal, legal naman kayong kasal kaya mag-asawa na kayo. Ang importante, ok na kayo ni Liam. At masaya kami para sa inyong dalawa.” sabi ni Nats

“Yep. And matutupad na yung pangarap naming maging ninang ng mga magiging anak nyo.” masayang sabi ni Cams

“And finally, magkakababy na rin sa grupo natin. That will be fun, baby pa lang, sosyal na. Wag lang magmamana kay Lira pagdating sa pagiging LATE” natatawang sabi ni Dee

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon