CHAPTER 21

189K 3.6K 290
                                    

CHAPTER 21

[LIAM]

*liamurtvillas hotel*

“Sir, the meeting will start in 20 minutes.” paalala sa akin ni Robin

Yeah right. Same old same old. Walang naman masyadong pinagbago sa daily routine ko. Most of the time nagtratrabaho pa rin ako, mas lalo pa nga ako naging busy ngayon dahil pati yung Heavenly Food Restaurant ay unti unti ko ng mina-manage, may Saturday class din ako kay Chef Gee. At dahil kay Lira every Sunday dun kami sa bahay nagdi-dinner.  Thankful ako dahil sa kanya naging close ulit ako sa family ko. I can really tell na kahit sandaling panahon lang minahal na sya ng pamilya ko.

“Thanks Rob. Paki-prepare na lang yung presentation ko and I’ll be there in a minute.” Utos ko kay Rob.

“Alright and Sir, Mrs. Villas called earlier.” Sabi ni Rob

Bakit naman tatawag sa akin si Mommy? Tatawag lang naman yun sa akin kapag may ipapa-check sya sa akin na bagong interior design na gustong nyang gawin for our hotel. My mother is an Interior Designer while my father is an Engineer. Sophia is an Architect, medyo naguluhan pa sya nung una kung mag-a-architect sya or Interior designer like Mom, pero in the end mas pinili nyang kumuha ng Architectecture dahil Civil Engineer ang course ni Henry, para daw magkasama sila sa mga projects. Sila yung gumawa at nag-design ng dalawa naming Hotel. Ako lang yung naiba yung kinuhang course kasi Culinary ang kinuha ko, then ilang units sa business.

“Bakit daw tumawag si Mom?” curious na tanong ko kay Rob.

Medyo nakita ko naman na napangiti sya kaya tinignan ko sya. Agad naman syang uamyos at nagsalita ulit.

“Not your Mom Sir, but your wife.” Sabi nya

I forgot, dalawa na nga pala ang Mrs. Villas sa pamilya namin. Aly Mendoza -Villas, my mother and Agatha Lira Fernandez – Villas, my wife. Since Aliana Sofia is carrying the surname of her husband, Henry which is Rodriguez.

“Oh. Just call her Ms. Lira or Ms. Aga, you know to avoid the confusion.” I said to Rob

“Or your wife?” dagdag nya

“Tss. That will do too.” sabi ko na lang kay Rob.

“Bakit sya tumawag?” tanong ko ulit kay Rob

“She told that she would not attend your family dinner tonight. Kanina pa daw kasi sya tumatawag sayo but you didn’t answer her calls; she thought that you’re in the meeting” paliwanag ni Rob

Chineck ko yung phone ko sa loob ng drawer ko. 12 missed calls from lira. Sinilent mode ko nga pala kanina dahil piniprepare ko yung mga gagamitin ko for the meeting later.

“Thanks Rob.” Sabi ko na lang kay Robin at umalis na sya ng office ko.

Agad kong tinawagan yung cellphone ni Lira. Naka-off. Bakit kaya hindi sya makakapunta sa dinner namin mamaya? Samantalang every Sunday excited sya at kini-clear talaga nya lahat ng schedule nya just for this day. Tinext ko na lang sya para tanungin kung bakit and to say sorry sa hindi ko pagsagot ng mga tawag nya. Ni-remind ulit ako ni Rob na kelangan ko ng magpunta sa meeting dahil mag-s-start na kaya naman hindi ko na natawagan yung mga kaibigan nya para itanong kung may nangyari ba.

Pumunta na kami ni Rob sa meeting. Medyo wala sa meeting ang buong atensyon ko, una iniisip ko pa din kung bakit naka-off ang cellphone ni Lira. Hindi naman kasi sya nagpapatay ng cellphone nya lalo na dahil madalas on call ang trabaho nya. Palaging biglaan yung mga photoshoot, guesting at practice nya.

Pangalawa, bakit sya tumawag sakin. 12 missed calls. Maybe there is something wrong. Tapos hindi pa sya pupunta para sa family dinner namin.

And then here comes the third reason kung bakit hindi ako mapalagay. Our conversation last night. Aminado ako na mali na icompare ko silang dalawa ni Lana (Alannah), oo pareho silang model. Pero si Lana kasi is a commercial model, kadalasan pagkain yung iniendorse nya or gadgets so wala talagang rason para mag-topless sya or kahit swimwear.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon