CHAPTER 8 [THE MEETING]

197K 5.1K 588
                                    

CHAPTER 8 [The Meeting]

[NATS]

"Good morning Mr. Alcantara, we are grateful that you accepted our proposal. Thank you” bati ni Cams sa kadadating lang na si Mr. Alcantara.

“It’s my pleasure actually.” He said.

“They are on their way” bulong sakin ni Dori, tumango ako bilang sagot.

“Hmm, Mr. Alcantara? Can you wait for a while? Ms. Fernandez is going to be a bit late.” nag-aalangang tanong ko sa kanya.

“Sure. No problem” tipid na sagot nya.  Hinatid namin sya sa may VIP room para doon maghintay.

Bakit namin pinili si Mr. Alcantara? Dahil isa sya sa mga understanding na tao. Mahaba ang pasensya nya, mabait at higit sa lahat gwapo. Yun nga lang hindi sya hindi sya palangiti katulad ni Lira. Sigurado na kapag sya ang pinili ni Lira, maiintindihan nya yung gagawin ni Lira at yung sitwasyon nila. Isa pa pala sa reason kung bakit namin sya pinili dahil restaurant din ang business nya. So alam na nya ang gagawin if ever sya ang piliin. Iniwan muna namin sya sa VIP room at kami naman hinihintay namin ang pagdating nina Lira. Syempre LATE na naman yun.

Maya maya lang nakita na naming pumasok sina Lan at Chi. Sinalubong namin yung dalawa at kaagad namin hinanap si Lira.

“Where’s Lira?” tanong ni Dee sa kanila.

Nagtinginan yung dalawa at sabay silang nagkibit balikat. Nanlaki ang mga mata namin sa ginawang gesture nung dalawa.

“Don’t tell us na nag-back out sya?” tanong ko.

“She can’t back out” sunod na sabi ni Dori.

“Pano na to? Andito na si Mr. Alcanta. Hindi natin basta basta pwedeng i-cancel ‘to” Natatarantang sabi ni Cams.

Napaupo kaming apat sa may upuan na pinaghihintayan namin kanina. Umupo din sina Chi at Lan na walang imik. Para kaming nawalan ng lakas. Sayang yung effort namin. Nakakahiya dun sa limang pinapunta namin. Mga busy pa naman silang tao.

Ipinatong ni Dori ang noo nya sa mga palad nya na parang nag-iisip. Si Cams naman nakatingin sa sahig habang kagat-kagat ang dulong kuko ng thumb nya. Si Dee nakasandal sa upuan at nakatingin sa ceiling. Si Lan at Chi naman tahimik lang habang pinaglalaruan ang tissue sa may lamesa. Ako? Pinagmamasdan ko lang ang mga nangyayari at di ko alam kung pano ihahandle ang sitwasyon.

“Bakit ganyan ang mga itsura nyo?”

Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nakakunot ang noo nya.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. You should have seen your face guys. It was EPIC.” sabi ni Lan at nag-high five silang dalwa ni Chi. Habang tuwang tuwa sa kalokohang ginawa nila.

Tinignan namin sila nang masama at saka namin sila pinaghahampas. Naisahan kami dun ahh.

“Hey hey hey, bakit anong meron?” awat samin ni Lira, na hanggang ngayon nagtataka pa rin sa mga nangyayari.

“Ito kasing dalawang baklang to ang galing umarte. Napaniwala kami na nag-back out ka na” sabi ni Dee.

Madaldal talaga si Dee kapag naiinis.

“Hey, we didn’t say anything” depensa ni Chi.

“Yeah, that’s unfair. Nagkibit balikat lang kami and kayo tong nag-jump into conclusion” pag-sang ayon ni Lan.

“At kung makatawag ka naman ng bakla Dee. Grabe ka parang may virus kami. GAY naman para sosyal!” pahabol na sabi ni Lan.

“Whatever GAY. HAPPY?” sagot ni Dee emphasizing the word gay.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon