CHAPTER 16 [MR. & MRS.]

193K 4.2K 584
                                    

CHAPTER 16 [MR. & MRS.]

[AGA]

Finally. After ng mga maraming proseso. This is it! Ikakasal na kami at mag-uumpisa na din yung 6 MONTHS na pagpapaggap namin ni Liam. Ewan ko ba, ang gulo! Dapat masaya ako dahil finally mag-start na yung pagpapanggap namin ni Liam tapos sure na yung deal na hindi na ako mawawalan ng mana at tuloy ang pagmomodel ko. 

Pero hindi ko maiwasang malungkot.

Madaming gumugulo sakin, yung 6 months na gagawin naming pangloloko ni Liam sa LAHAT at sa nararamdaman ko para kay Liam. Yes, after that kiss… nasigurado kong nagkakagusto na ako sa kanya.

Mabilis…oo. Ilang beses ko pa lang sya nakasama. Hindi pa naman malalim yung nararamdaman ko sa kanya. Yun na nga yung gumugulo sa isip ko.

WHAT IF I FALL DEEPLY IN LOVE WITH HIM?  WOULD HE EVEN DARE TO CATCH ME WHEN I FALL?

Hays! Dapat talaga inisip ko muna yung mga possibilities e. Tsk. Bakit ba kasi hindi ko naisip na PWEDE at HINDI imposibleng magustuhan ko sya? E kasi naman. AKO? MAIINLOVE? saka ANG BORING nya, puro trabaho, trabaho, walang social life. TAMA! HINDI DAPAT AKO MAINLOVE. Siguro kaya ko lang nasasabi to kasi nga kasama ko sya dito. Di bale kapag umuwi na kasi sa Pilipinas, mawawala na to. BACK TO NORMAL na lahat. 

Sya sa trabaho, ako naman sa pagmomodel. Tama…wala lang to.

About sa kiss nga pala? Ok, medyo nagulat ako pero syempre nabawi ko kagad dahil nauna yung kilig ko kaya di na ko nakapagreact. At yes, first kiss ko yun. Hindi yung iniisip nyo na wala pang nakakahalik sa akin. What i mean is., FIRST KISS NA NAGUSTUHAN KO.

Sinabi ko din sa mga friends ko yung nangyari nung valentines day at syempre yung kiss…at ang reaction nila?

"KISS LANG?" Cams

"YUN LANG?" Nats 

"OH MY GOD. ANG HINA NAMAN NI LIAM" Dylan

"TSS. WEAK" Dee

"NGAYON NANINIWALA NA AKO NA BORING SI LIAM" Chi

"ANG CORNY NYONG DALAWA" Dori

Oh diba ang swete ko sa mga kaibigan. Tss.

"Lira, are you ready?" sabi ni Nats nung pumasok sa dressing room ko. 

"Yes, I’m ready" sabi ko sa kanya ng nakangiti. 

"Naghihintay na silang lahat sa labas. God Lira, hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal ka na…kahit na alam kong ‘you know’" sabi ni Nats na tinutukoy yung 6 months deal namin ni Liam.

"I know. It’s ok Nats, i need to do this." sabi ko sa kanya

"Hayy. Nakakaloka ka kasi girl. O sya una na ko sa labas, sumunod ka na din ok? Mainipin yung groom mo." sabi nya at tuluyan ng lumabas ng room.

Lumabas na ako at nagpunta sa chapel. Tulad ng sinabi ko, simple lang yung kasal namin ni Liam. Sa isang simpleng chapel lang sya gagawin, kami kami lang yung bisita at hindi masyadong magarbo.

Nakita naman agad ako ni Chi at nagsignal sa loob na nandito na ako. At mag-uumpisa na ang kasal. Lumabas si Daddy sa loob ng chapel at lumapit sa akin para samahan akong maglakad papunta sa altar. 

Nag-umpisa na kaming maglakad at nag-umpisa na din magplay ang wedding song ko. Runaway ang pinili kong kanta, dahil parang tatakas lang naman ako sa ginawa naming deal ni Daddy.

[RUNAWAY - the corrs]

 ~Say it's true, there's nothing like me and you,
I'm not alone, tell me you feel it too,
And I would runaway,
I would runaway, yeah, yeah,
I would runaway,
I would runaway with you,~

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon