CHAPTER 32

186K 4.1K 749
                                    

CHAPTER 32

 

“Liam…….if you like me, just say so. But if you don’t then, stop acting like you do” malungkot na ngumiti si Lira sa kanya.

*do I like her?*

Paulit ulit na tanong ni Liam sa sarili habang nakatingin kay Lira. Nakatingin sya sa mga mata ni Lira na ngayon ay nangingilid na ang luha. Para namang automatic na nagflashback sa kanya magmula nung una nyang makilala si Lira. Yung unang beses nilang mag-bangayan dahil sa pagiging time conscious nya at pagiging late comer ni Lira.

Then it hit him.

“I don’t ………..like you” diretsyong sagot ni Liam.

Napalunok na lang si Lira sa narinig nyang sagot. Expected naman nya na hindi naman sya gusto nito pero masakit pala talaga kapag diretsyo mong narinig at sa kanya mismo nanggaling. Pilit nyang pinipigilan ang pagbagsak ng luha nya. Ayaw nyang ipakita kay Liam na umiiyak sya, kahit ngayon lang.

Bago pa makapagsalita si Lira sa ibinatong sagot sa kanya ni Liam ay naunahan na sya ni Kristine sa pagsasalita.

“Please welcome on stage, Mrs. Agatha & Mr. Liam Kurt Villas to start the first dance.” Pag-aanounce ni Kristine (advertising manager) na kasalukuyang nakatingin sa direksyon nilang dalawa at nakangiti, halatang hinihintay silang umakyat sa stage. Kaya naman sabay silang napatingin sa paligid at nakita nilang nakapako ang tingin ng lahat sa kanilang dalawa at nagpapalakpakan.

Automatic naman na napatayo silang dalawa at nginitian na lang ang lahat kahit alanganin. Gaano na ba sila katagal nag-uusap para hindi mapansin ang nangyari? Bakit pa parati na lang, na kapag magkasama silang dalawa para silang may sariling mundo at halos makalimutan na nilang maraming taong nakapaligid sa kanila?

Hindi nga nila napansin pa kung ano man ang nangyari sa paligid nila. Ni hindi nga nila alam na nagbigay ng thank you speech ang Daddy ni Liam dahil sa successful na pamamalakad ng anak. Pati na din ang medyo madramang speech ng Mommy ni Liam dahil sa mag-uumpisa nang bumuo ng sariling pamilya ang anak, at kung gaano sya kasaya dahil isang Agatha Lira Fernandez ang napangasawa ng anak nya.

Nagkakailangang nagtinginan pa silang dalawa. Naghihintayan kung sinong unang lalakad papalapit sa stage.

*First dance?? Kelangan pa ba ‘yun? basted na nga ako pagsasayawin pa kami? ok lang sila?* sa isip isip ni Lira

Naunang naglakad si Liam papalapit sa stage, leaving Lira behind. Nagulat naman ang lahat sa ginawang pag-iwan ni Liam sa asawa nito. Nakita nyang pumunta ito kay Kristine at binulungan.

*gets ko naman na hindi nya ako gusto eh. Bakit kelangan pa nyang ipamuka sakin at iwan ako?* malungkot na sabi nya sa sarili

Maglalakad na sana sya papunta sa stage nung inilahad ni Liam ang kamay nito sa kanya. Napako ang tingin nya sa kamay ni Liam, nag-aalinlangan kung tatanggapin nya ba ito. Bigla namang napaangat ang tingin nya sa muka ni Liam nung bigla na lang nagplay ang isang pamilyar na kanta.

~Take my hand, we’ll walk a while, we’ll talk a while

Nakangiti si Liam sa kanya. Napatingin sya sa paligid at nakita nyang nakangiti ang lahat sa kanya at ine-encourage syang tanggapin ang kamay ni Liam.

~Feel my love, always there beside you

Hindi na nya napigilan ang kusang pagpatak ng luha sa pisngi nya. Hindi na nya alam ang nangyayari. Hindi na din nya alam kung anong dapat nyang maramdaman, kung malulungkot ba sya dahil kasama lang yung sa sa pagprepretend nila o matutuwa sya dahil mukha lang silang normal sa harap ng marami. Sa inaakto ni Liam, lalo syang naguluhan.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon