CHAPTER 20 [TELL ME WHY]

200K 3.8K 488
                                    

CHAPTER 20 [TELL ME WHY]

[AGA]

“So?” tanong sakin ni Nats

Magkakasama kami ngayon nina Cams, Dee, Dori and Nats dito sa dressing room ko. May photoshoot kasi ako ngayon para sa isang magazine. Si Cams yung make-up artist ko ngayon, while Dori is my stylist.Si Nats and Dee naman, wala lang silang magawa kaya sila nandito. Ang tagal na din naman kasi naming hindi nagkasamasama. Missing in action naman sina Dylan at Chi, mga busy para sa upcoming event ng LV.

“So what?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya habang nakapikit dahil minimake-upan pa ko ni Cams

“Nagkwento na ba sya?” tanong ulit nya.

Tinignan ko sya mula sa salamin. Here we go again. Magmula nung napanuod nila yung interview ko hindi nila ko tinantanan sa pagtatanong kung may nakwekwento na ba sakin si Liam tungkol dun sa Alannah Diaz na yun.

3 weeks na ang nakakalipas magmula nung interview. At ang bilis ng panahon dahil 1 month na kaming kasal ni Liam. Meaning 5 months na lang at tapos na yung pinag-usapan namin.

“Hindi pa rin.” tipid na sagot ko na lang kay Nats.

Oo, hanggang ngayon hindi pa rin nya sinasabi sa akin kung sino yung A.D na yun. A.D code name ko kay Alannah Diaz. Hindi rin kasi namin maiwasang mapagkwentuhan over the phone ng mga kaibigan ko si A.D kaya ayun gumawa ako ng codename para kahit kasama ko si Liam we are free to talk about her. Kapag nagtatanong si Liam kung sinong A.D sinasabi ko na lang na kaibigan ko. Knowing Liam bigyan mo lang sya ng kahit anong lame reason titigil na yun kakatanong lalo na kung hindi sya masyadong interesado.

“Eh bakit kasi hindi mo na lang sya tanungin about A.D” sabi ni Cams

“Kapag tinanong ko syempre magtatanong din sya kung pano ko nakilala si A.D edi mag-eexplain pa ko, tapos tatanungin nya kung bakit ko tinatanong diba?” paliwanag ko sa kanila.

“Ang sabihin mo natatakot ka lang itanong sa kanya kasi hindi mo alam kung anong irereact mo kapag nag-umpisa na syang magkwento about kay A.D” sabi ni Dori habang inaayos yung wardrobe ko. Chine-check nyang mabuti kung maayos.

“Tama. Nako Lira, umamin ka nga. Mahal mo na ba yang si Liam?” biglang pagsasalita ni Dee, na kanina pa nagbabasa nga magazine sa isang sulok. Simpleng nakikinig rin pala to sa usapan namin.

Dahil sa sinabi ni Dee bigla nila akong tinignan tatlo.

“Crush ko lang sya ok?” sabi ko na lang

“Loka loka. Ano ka high school? Feeling teenager ka girl. Crush your face. Mag-twe-twenty four ka na next month girl. Kung makapagsabi ka ng Crush dyan” pabirong sabi sa akin ni Nats

“At talagang may halong kilig pa yung pagkakasabi nya ng ‘crush ko lang sya’. Landi!” dagdag pa ni Cams at yan pinagtawanan na naman nila ako. Tss.

“Edi I like him. Not love ok.” sabi ko na lang para tumigil na sila

“Sus. Sabi mo e.” sabi ni Dee na nagpipigil ng tawa.

“Saka ano ba naman kayo, hindi naman big deal kung sino si A.D e.” sabi ko

“Liars go to hell.” hirit ulit ni Dee

“Ewan ko sayo Dee. Minsan ka na nga lang magsalita wala ka pang nasasabing maganda.” inis na sabi ko sa kanya

“Hahaha. Totoo naman kasi lahat ng sinasabi ko.” pagtatanggol nya sa sarili nya

“Kung hindi big deal si A.D eh bakit magmula nung nalaman mong ex-girlfiend sya ni Liam hindi ka na mapakali na makilala sya?” tanong ni Nats

“Curios lang kung anong itsura nya.” sabi ko

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon