CHAPTER 23

164K 3.6K 413
                                    

CHAPTER 23

 [Third Person’s POV]

Walang kamalay malay si Liam na papalapit na sya nang papalapit sa harapan. Habang ang mga tao sa paligid nya ay naka-focus din sa babaeng nagsalita. Si Alannah Diaz, Marketing Assistant sya nang LV kaya naman present din sya sa event. Habang pinagmamasdan ni Lira si Liam na papalayo nang papalayo sa kanya hindi nya napansin ang paglapit nina Chi at Dylan sa kanya.

“Hey, sundan mo kaya.” bulong ni Dylan sa kanya

Agad namang napatingin sa kanya si Lira na parang nagtataka kung ano yung sinasabi ni Dylan. Dahil na rin siguro sa medyo confuse pa sya sa nararamdaman nya.

“Lira, this is not the right time para matulala. Get up and move bago pa pagpyestahan ng media ang reunion ni Liam at A.D. malaking issue yan, at alam kong ayaw mo yun” pananakot sa kanya ni Chi.

Agad namang natauhan si Lira sa sinabi ni Chi kaya naman agad syang pumunta sa harapan at sinundan ang asawa. Hindi na muna nya inintindi yung mga bagay na gumugulo sa kanya, ang nasa isip nya lang ngayon ay mailayo nya si Liam at ang sarili nya sa intriga. Ok lang sana kung sya lang dahil sanay na sya.

Bago pa makahakbang ulit si Liam at makapunta ng tuluyan sa harapan, hinawakan ni Lira ang braso nito para pigilan sa paglalakad. Napatingin sa kanya si Liam nang nagtataka.

“Not here Liam” bulong nya dito.

“H-ha?” nagtatakang tanong sa kanya ni Liam at saka pa lang nya narealize na ilang hakbang na lang at nasa harapan na pala sya ni Alannah, na busy sa pagsasalita, at madami naring nakatingin sa kanila na naghihintay ng sunod nilang gagawin.

“I-I’m sorry, I didn’t notice.” mahinang sabi ni Liam sa kanya, ngumiti na lang si Lira sa asawa, nilingon nya din yung mga tao para ngitian ang mga ito. Saka sila humakbang papalayo ulit sa harapan.

“Are you ok?” tanong ni Lira sa kanya habang magkatabi silang nakatayo at nanunuod ng mini fashion show sa harapan. Si Liam nga ba talaga ang dapat nyang tanungin kung ok lang ito o mas dapat nyang itanong sa sarili nya? Tumango lang si Liam bilang sagot.

Hindi maintindihan ni Lira kung ano ba talaga yung nararamdaman nya. Selos? Eh hindi pa nga nya alam kung mahal na ba nya talaga si Liam. Oo aminado sya na may gusto sya dito dahil sa buong buhay nya Daddy nya lang ang ka-close nyang lalaki, of course iba naman si Dylan at Chi. Ngayon lang sya napalapit sa isang lalaki, at si Liam yun. Insecure? Bakit naman sya mai-insecure? Oo maganda si A.D, pang-model talaga, ang amo ng mukha at parang lahat ng lalabas sa bibig nya maganda. Hindi katulad nya, na mabilis uminit ang ulo, laging late, at minsan lang mabait. Hindi nya maiwasang ikumpara ang sarili sa babaeng tinitignan ni Liam magmula kanina.

“Now I know, kung bakit hindi ka makamove- on sa kanya, she’s beautiful.” nakuha pa nyang magbiro kay Liam kahit medyo may halong inggit yung pagkakasabi nya.

“How can I move-on, if I’m still holding on?” seryosong sabi sa kanya ni Liam.

“Then, let go” seryosong sagot nya

“I can’t” sagot ni Liam

“Why?” seryosong tanong nya

“*sigh* Just because.” mahinang sagot ni Liam

“Wow. You still love her?” Hindi alam ni Lira kung san sya kumuha ng lakas nang loob para itanong yun kay Liam, siguro dahil na rin sa sadyang malakas na talaga ang loob nya, kahit alam naman nyang hindi sya handa sa magiging sagot nito. May parte sa kanya na gusto nyang bawiin yung tanong nya pero may parte rin sa kanya na gustong gustong malaman yung sagot.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon