CHAPTER 37

184K 3.5K 202
                                    

CHAPTER 37

It’s been a week since Lira finally heard the truth from her mother. Halos isang linggo na din na hindi mapaghiwalay ang mag-ina. Shopping, kwentuhan, salon, kasama sa mga photoshoot. Todo bonding para makabawi sa mga pinalipas nilang pagkakataon. Tulad ngayon, kasama ni Lira sina Margareth at Alannah para samahan syang mamili ng wedding souvenirs. Supposedly sina Cams at Dori ang kasama nya ngayon, pero dahil nga sa nangyari kaya hinayaan na lang muna silang makapagbonding.

“Hindi ba masyadong pambabae yung design?” tanong ni Lira habang hawak ang isang sample. Dalawang flamingo na magkadikit ang tuka kaya naman naging heart shape ang hole sa pagitan ng dalawang ibon.

“Cute sya, pero baka magkaproblema tayo sa color. Hindi magugustuhan ni Liam ang pink” kumento naman ni Margareth

“Yun nga din yung iniisip ko. Hay, black and white lang kasi ang gusto nun, ang boring!” sagot naman ni Lira habang inilalapag yung sample sa lamesa.

“Hahaha, hindi ka pa ba nasanay sa asawa mo? In fairness naman kay Liam nakikipag-socialize na sya ngayon.” dagdag ni Alannah habang tumitingin ng souvenirs sa brochure

“Akala ko ba hahabol si Liam ngayon?” tanong ni Margareth.

“May urgent meeting daw eh. Hay nako, mukang hindi na naman makakasama” matamlay na sagot ni Lira. Hindi kasi nakakasama si Liam sa pag-aayos ng wedding nila. Kung hindi busy, pagod naman palagi si Liam. Kaya tulad noong unang wedding nila si Lira na naman ang punong abala.

“Don’t worry Agatha, habang buhay mo na naman syang makakasama.” Nakangiting sabi sa kanya ni Alannah. Minsan hindi pa rin maiwasan ni Lira na mailang sa presensya nito. Pero ngayon, mas at ease sya dahil may love life na din ito.

“Sinabi ko naman kasi sa Daddy mo na wag muna ipamanage yung restaurant kay Liam, kaya pa naman naming dalawa. Tignan mo tuloy, halos wala nang time sayo ang asawa mo.” reklamo naman ni Margareth.

“Mom, ginusto din naman ni Liam yun eh. Alam nyo naman si Liam, napaka-workaholic na tao.” Pagtatanggol naman ni Lira sa asawa

Every other day kasi nasa restaurant si Liam. Hindi na nga din nila nabibisita ang mga in-laws nya kay Liam.

“Kahit na, dapat hindi nya masyadong binigla si Liam. Alam naman nya na malapit na ang kasal nyo.” pilit pa rin ni Margareth

“Sus, kasi kayo ni Daddy, your dating behind my back! Grabe, kaya pala minsan yung Superman ko nalalate nang uwi! Hanggang ngayon talaga hindi ko pa rin maimagine kung paano nyo nailihim sa akin ‘yun.” tukso naman ni Lira sa Mommy nya.

“Yihiiee. Si Mommy nagblublush oh.” Dugtong naman ni Alannah.

“Hay nako kayo talaga.” sabi naman ni Margareth.

After kasi noong araw na nagpunta sina Margareth sa bahay nila Lira, pumunta naman si Lira sa bahay ng Daddy nya para naman sabihin na alam na nya ang lahat. At sa pangalawang pagkakataon nagulat sya noong sabihin ng daddy nya na alam nito ang planong pagpunta sa bahay nilang msg-asawa. Hindi lang yun, dahil nalaman din nyang in good terms and in love pa rin ang mga magulang nya at nagkikita sila nang hindi nya alam.

“Pero Mom, hindi ba kayo nahirapan ni Daddy kasi nagkikita kayo nang palihim?” pagtatanong ulit ni Lira

“Hindi naman, sanay na kami. *laughs* Magmula ba naman noong mag-boyfriend-girlfriend pa lang kaming dalawa tumatakas na kami sa Daddy ko. Sa’yo pa kaya na hindi naman bantay sarado” pagbibiro pa ni Margareth

“Nice, forbidden love lang ang peg! Kayo na Mommy!” sabat naman ni Alannah at nag-appear silang dalawa ni Lira.

“Kung makapagsalita ka dyan, kasabwat ka kaya namin!” sagot naman ni Margareth.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon