CHAPTER 33 (MAKE IT REAL)

190K 4.1K 197
                                    

CHAPTER 33

“What?” Natatawang tanong ni Lira kay Liam habang nakapikit. Kasalukuyan syang nakahiga sa lap ni Liam, habang hinahaplos naman ng asawa ang buhok nya. Nasa sala sila ng bahay nila. Madaling araw na pero parang wala silang balak tapusin ang araw na yun. Hindi pa rin sila naghihiwalay magmula nung dumating sila ng bahay.

“Hmm. Nothing” nakangiting sagot ni Liam sa kanya.

“Kung nakakatunaw lang ang pagtitig, siguro kanina pa ako natunaw.” pagbibiro nya kay Liam at iminulat ang mga mata.

“Silly. Paano mo naman nasabing tinititigan kita?” tanong ni Liam. Sinundan nya nang tingin si Lira habang bumabangon ito sa pagkakahiga.

“Kasi ramdam ko, kahit hindi ko mismong nakita. Ang ganda ko kaya.” pagbibiro nya kay Liam at saka sumandal sa balikat nito.

“Too confident huh? Napapaisip tuloy ako…” sabi nya at niyakap si Lira.

Tumingala si Lira para makita ang mukha ng asawa. Nakapikit ito.

“You’re thinking about what?” pangungulit nya kay Liam.

“I am thinking about, how did I fell in love with a late comer, lazy, unorganized, happy go lucky, party girl, childish, crazy, vain, glutton – aray, aray!” natatawa syang hinarang ang mga braso nya para gawing panangga sa panghahampas ni Lira ng throw pillow.   

“Sinong glutton?” hindi pa rin tumitigil si Lira sa paghahampas

“Ikaw. Hindi ba? Alam mo bang ang laki nang naging gastos ko sa pagkain magmula nung kinasal tayo?” natatawang sagot ni Liam

“Ahh ganon? So nagsisisi ka na? Kakaayos pa lang natin pinagsisisihan mo na kaagad? Wala pa ngang 24 hrs.” and again, pinaghahampas na naman nya si Liam

“Ngayon ko lang kasi narealize na mamumulubi ako sayo. Tapos, ako pa yung gumagawa ng household chores, hindi ka ba naaawa sakin? House husband na nga ako tapos house provider pa.” tuloy tuloy pa rin sa pagtawa si Liam habang tuloy tuloy pa rin si Lira sa paghampas sa kanya.

“Idi-divorce na talaga kita bukas!” pagbabanta ni Lira. Napagod na sya kakahampas kaya naman niyakap nya na lang yung unan at saka nag crossed arms. Hinila naman sya ni Liam para yakapin at ramdam nya yung paghalik ni Liam sa buhok nya.

“Hindi pa kasi ako tapos. Inuna ko lang yung bad sides mo…. ang dami kasi. Hahaha” pagkasabi nya nun, agad syang pinalo sa braso ni Lira.

“Naman eh” reklamo ni Lira

“Pero seriously, I am thinking about our deal.” Pagtatapat ni Liam.

“Hey. Hey. Same pa din naman yung terms and conditions natin eh. It doesn’t mean na dahil ok na tayo mababago na yun. Like, ikaw pa din yung magluluto, ako yung kakain. Ako yung mag-grogrocery, ikaw yung magbabayad. And of course kailangan pa din nating ng privacy –“ agad namang pinuto ni Liam ang sinasabi ng asawa.

“Sira. Hindi yun. I don’t have a problem with that. Handa naman akong pagsilbihan ka, until God knows when.”

“Wow. May sweet bones ka din pala no?” pang-aasar ni Lira

“Wag mo na lang pansinin pwede?”

“Whatever you say.” nakangiting sabi ni Lira.

“Seryoso na kasi. As I was s—“

“Muka ba akong hindi seryoso?” pagkontra ni Lira.

“Well, apparently YES. Pwede ko na bang ituloy yung sasabihin ko?” halata sa boses ni Liam ang pagkairita. Kaya naman tumango na lang si Lira at saka umarte pa na parang sini-zipper ang bibig nya. Kaya naman hindi din mapigilan ni Liam na matawa sa inakto ng asawa.

“I’m thinking about our 6 months deal and the ‘D’ word. Two more months and this whole thing will be over.”   Nag-aalalang pahayag ni Liam.

Kanina pa kasi sya nababahala sa bagay na yun. Ngayon kasi na ok na sila ni Lira at tingin nya wala na silang problema ayaw na nyang mahiwalay dito. Tulad nang sinabi nya, dalawang buwan na lang at matatapos na yung ginawa nilang deal and kapag nangyari yun, it’s the end of both of them, na ayaw nyang mangyari.

Sa limang buwan nilang magkasama (isama natin yung unang pagkikita nila) ngayon lang sya nakaramdam nang takot na matapos ang lahat nang sinimulan nila. Mula sa una nilang pagbabangayan sa hotel nya dahil sa pagiging late nito. Sa kunyaring business meeting na ginawa ni Lira, sa pagppropose nito ng kasal, sa pag-uumpisa nilang pagpapanggap sa harap ng parents nila, sa pagpunta nila nang US para mag-celebrate ng Valentines’ day, at sa pagpapakasal nilang dalawa.

“Ikaw? Ano bang gusto mong mangyari? I mean, I’m fine kung ano man ang maging desisyon mo.” mahinang sagot ni Lira, dahil sa kaba.

Ang totoo, hindi nya napaghandaan ang bagay na yun. Lalo naman na hindi nya inaasahan na itatanong sa kanya ni Liam ‘yun. Dahil hindi naman nya inaasahan na aabot sila sa ganito, yung hindi na lang sya yung nagmamahal.

Actually, a month after their wedding, inasikaso na nya ang divorce paper nila. Sinakto nya talaga na lumabas ang divorce paper nila after 6 months, ipapadala sa Pilipinas ang mga papeles sa araw na matapos ang deal nila ni Liam at pirma na lang nila ang kakailanganin. Yun kasi ang plano. Ayaw naman nya na after pa nung 6 months deal nila saka lang sya mag-aasikaso dahil alam naman nyang hindi agad agad ang pagfifile ng divorce.

Lawyer ang pinsan ni Cams at ito ang nag-aayos ng divorce paper nila. Kaya naman ayos lang kahit hindi sila humarap sa korte. Nag-pasa lang sya ng affidavit na may pirma ng witness at attorney nya.

“Ok lang sayo? So kahit na magdivorce tayo ngayon at matapos lahat nang ‘to, at bumalik tayo sa dati nating buhay ok lang sayo? Hindi ka man lang kikibo?” lalo namang kinabahan si Lira. Ramdam nya na hindi lang tampo o pagkadismaya ang naramdaman ni Liam habang sinasabi yun.

“Kasi ano, hmm, wala naman akong magagwa kung yun ang gusto mo diba? At yun yung maging desisyon mo, tatanggapin ko at irerespeto ko yun.” kabadong pahayag ni Lira.

Naghihintay sya nang sagot mula sa asawa pero wala syang nakuha. Instead bumuntong hininga lang ito kaya naman napagdesisyunan nyang magsalita na lang ulit.

“And besides, I am the one who drag you into this mess” pag-eexplain nya sa asawa, hoping na maintindihan nito ang point nya. Yun nga lang, wrong move sya, at bigla nyang pinagsisihan na nagsalita ulit sya.

“Mess? So that’s what you described our marriage life. How sweet!” sarkastikong sagot ni Liam. Saka ipinatong ang kanang siko sa may arm ng sofa at inilagay sa noo nya ang kanang palad, bago nagbuntong hininga. Pinipigilan nyang magalit sa asawa.

“No, I don’t mean it that way. I’m sorry.” Give up si Lira. Kaya naman niyakap na lang nya ang asawa para kahit papaano maalis ang pagkainis nito.

Huminga na lang ng malalim si liam at hinigpitan ang yakap kay Lira. They stayed like that for a couple of minutes. Walang nagsasalita. As if they are listening to the sound of their heartbeats. And finally, Liam spoke.

“Let’s stop pretending. Let’s make them see that we fight because of the small things that we kiss and make up after, that we get jealous over some random people, that we are just like any other married couple out there, who do the groceries together, visit each other at work, hold hands while walking, go to social gatherings together, and married because we love each other, ---and not because of a stupid deal”

Hinawakan ni Liam ang dalawang kamay ni Lira at tinignan sa mata ang asawa saka ulit nagsalita

“Let’s make our marriage REAL.”

*****************************

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now