CHAPTER 24 [FAR AWAY]

172K 3.7K 776
                                    

CHAPTER 24 [FAR AWAY]

[Third Person’s POV]

“Husband?” halos pabulong na tanong ni Alannah pagkatapos ipakilala sa kanya ni Lira ang lalaki. Doon lang narealize ni Lira ang nasabi nya kanina. Parang bulang naglaho yung excitement na naramdaman nya kanina lang at biglang napalitan ng kaba. Hindi nya alam kung bakit sya kinabaha, basta positibo syang may hindi magandang mangyayari.

“Lana, let me explain” tulad ni Alannah nagulat din si Liam sa pagpapakilala ni Lira sa kanya.

“Yo-you’re married?” sabi ni Alannah ng hindi makapaniwala.

“Lana, it’s not what you think, just listen to me first” natatarantang sagot ni Liam.

“Guys, please not here, there are media’s everywhere” pabulong na paalala ni Dylan.

Ramdam ng magkakaibigan ang tensyon sa pagitan nang tatlo. At ayaw naman nilang makialam sa problema ng kaibigan dahil nirerespeto nila ang bawat isa. Iniiwasan lang nilang mapansin sila ng media kaya naman medyo tinakpan nila ang tatlo.

“I’m sorry” mahinang sabi ni Lira kay Liam.

May halong inis nyang tinignan si Lira, alam naman kasi ni Lira yung tungkol sa kanilang dalawa ni Alannah kaya hindi nya iniexpect na ganun ang gagawing pagpapakilala sa kanya nito. Hindi nya kasi napaghandaan ang ganitong pagkakataon. Hindi nga nya naisip na magkakasama silang tatlo sa iisang lugar.

“W-well, congratulations. You’re wife is beautiful.” Kahit nahirapang i-congratulate, kinaya parin ni Alannah. Naghahanda nasana sya para umalis sa lugar na yun pero pinigilan sya ni Liam, hinawakan ni Liam ang braso nya.

“Lana please” pakiusap sa kanya ni liam

“Nice to see you again Liam, congratulations. Excuse me, I’ll go ahead.” Mabilis na sabi ni Alannah at tinanggal ang kamay ni Liam sa braso nya. Ilang hakbang pa lang ang ginagawa ni Lana nung biglang nagsalita si Liam

“I can’t believe that you’re still good at running away from me” sarkatiskong sabi nya kay Alannah

Humarap naman si Alannah kay Liam.

“Do you wanna know why I keep running away from you Liam?” seryosong tanong nya

“To escape and to pretend that nothing happened” seryosong sagot sa kanya ni Liam.

“Wrong. Because I am hoping that you will chase me after, but you never did. Instead you just let me run away from you.” sabi ni Alannah,

“You’re the one who left me, it’s your choice. And now you’re saying that you want me to chase you? I’ve waited for you for three years Lana” sagot sa kanya ni Liam

Si Lira? Tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap nila. Gusto man nyang sumingit sa usapan pero tulad ng mga kaibigan nya, ayaw nyang mangielam dahil nirerespeto nya ang dalawa at hindi din naman nya alam kung anong meron sa kanilang dalawa.

“See? Three years and you did nothing to make me come back for you or just to be with me. Sure you’ve waited and you did nothing else but to wait for me. You know what’s wrong with you Liam? You’re too busy thinking about WHAT IF’S, and you forgot to think about WHY NOT’S” pagkatapos sabihin ni Alannah yun ay agad na itong umalis.

Naiwan si Liam na nakatingin sa papalayong si Alannah. Ito na naman sya, hinayaan na naman nyang lumayo sa kanya yung taong mahal nya. For the second time around, hindi nya sinundan. Instead, umupo na lang sya at inisip yung naging pag-uusap nila ni Lana. Tama si Lana, wala syang ginawa sa loob ng dalawang taon kungdi ang maghintay. Hindi man lang sya gumawa ng paraan para makasama ang ex o kaya ay pabalikin ito sa kanya. masyado nga syang nalunod sa kakaisip sa mga “WHAT IF’S”

Pano kung hindi na sya mahal. Pano kung hindi nya mahanap. Pano kung hindi na bumalik. Pano kung may bago na. Pano kung masaya na sya doon. Pano kung hindi na sya kailangan. Pano kung iba na sya.

Hindi man lang sya nagtake ng risk para malaman ang mga tanong nya sa WHAT IF’s nya. Hanggang sa tanggapin na lang ng utak nya na WALA NA SILA.

“I’m sorry, I didn’t mean to say that nawala sa isip ko, masyado lang akong naging masaya sa good news kanina” mahinang sabi ni Lira kay Liam

“Yeah right, when it comes to your career, you can’t think of anything else. So self-centered” sagot ni Liam sa kanya na ikinagulat ni Lira. Hindi nya ineexpect na pagsasalitaan sya ng ganun ni Liam at hindi nya maiitatanggi na nasaktan sya. Kahit ang mga kaibigan ni Lira nagulat sa sinabi ni Liam. Ibang iba yung Liam na kasama nila kanina at Liam na nagsabi ng harsh word na yun.

“Hah. I understand that you’re upset but who are you to judge me? You only knew me for 2 months.  Me? Self-centered?” iritadong sabi nya kay Liam

“Hindi ba kaya ka nga nagpropose sakin ng kasal dahil may stupid deal kayo ng Daddy mo na kapag hindi ka pa nagpakasal ay hindi mo makukuha yung mana mo at titigil ka na sa pagmomodel? Hindi ba pagiging makasarili yung tawag dun?” sarkastikong sagot ni Liam

“Liam, tama na” awat sa kanya ni Dee

“Nakalimutan ko, kasama nga pala kayo sa pagplaplano. Maybe because may makukuha din kayong benefits after.” sagot sa kanya ni Liam

“Hey dude, that’s foul” sagot ni Chi sa kanya

“You don’t know me Liam, wala pa sa kalahati ng pagkatao ko ang nakilala mo, and pwede ba wag mong idamay yung mga kaibigan ko sa pagiging miserable mo. Now I know kung bakit ka iniwan ni Alannah” sagot sa kanya ni Lira na lalong ikinainis ni Liam

“And now I know why your mother left you, because she can’t stand a spoiled and self-centered daughter like you”

*Pak*

Mas mabilis ang kamay ni Lira kesa sa bibig nya. Hindi na nya kinaya pa yung sinabi sa kanya ni Liam, and for the first time the famous and gorgeous AGA cried in front of a guy.

“I wish I knew why she left us. Thanks for the possible reason though.” Sabi ni Lira at agad nitong pinunasan ang luha sa may pisngi nya. sh*t lang. Umiyak na naman sya, bakit ba palagi na lang syang umiiyak kapag ang usapan ay ang magaling na si Margareth.

Agad syang tumayo at tinignan sina Dori at tumango sa mga kaibigan senyales na gusto na nyang umalis sa lugar na yun. Nagtayuan na din naman ang mga kaibigan nya at nag-umpisa na silang maglakad palayo kay Liam.

Nung nakita ni Liam yung pagtulo ng luha ni Lira sa pisngi nito gustong gusto nyang punasan yun at bawiin ang sinabi nya pero alam nyang huli na, ito na naman, parang déjà vu lang. Naulit na naman, kanina si Lana yung tinitignan nyang umalis papalayo, ngayon naman si Lira.

Two hits in a row. Dalawang babae ang nang-iwan sa kanya ngayon, at dalawang beses na nyang inulit ang ginawa nya, ang tignan lang ang dalawa na papalayo sa kanya. Hindi na sya natuto sa unang pagkakamali nya, inulit na naman nya. Ang masama pa nito, yung isa kasama nya araw araw sa bahay.

Mali sya. Aminado naman sya dun. Masyado lang ba talagang magulo ang set-up nila? O humahanap lang sya ng sisisihin sa katangahang ginawa nya?

****************************

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon