CHAPTER 17 [you and me]

193K 4K 378
                                    

Chapter 17

[AGA]

 "So ready ka na ba mamaya para sa honeymoon nyo?" excited na tanong nilang lahat sa akin

Nasa isang table kami. Medyo malayo dun sa iba, para hindi nila marinig yung usapan naming magkakaibigan. Naghihintay silang lahat sa sagot ko.

"Hahaha! Sira, we are not doing that." sabi ko sa kanilang lahat.

At syempre ayan na naman yung mga reactions nila.

"WHAT? BAKIT?" DORI

"Why not? Kasal naman kayo." Cams

"Anong gagawin nyo buong gabi? Magtititigan?" Nats

"Come on Lira, ano ba yan ang boring nyo." Chi

"Ang aarte nyo." Dee

"Sayang ang lahi nyo kung hindi nyo paparamihin." Dylan

"Hahahaha! Ano ba kayo? Baka nakakalimutan nyo na yung usapan namin ni Liam. Tinanong ko lang syang pakasalan ako at maging asawa ko for 6 months., wala sa usapan na gagawin namin yun…and it’s final. We are not doing that. Saka mahirap na, maganda na rin tong hindi kami masyadong attached sa isat isa para mas madali pag naghiwalay kami." Paliwanag ko sa kanila

Ayoko kasi talagang sobrang maging malapit kay Liam. Lalo pa ngayon na inamin ko na sa sarili ko na may gusto na ako sa kanya. Ako din ang mahihirapan in the end. Nakahinga nga ako ng maluwag nung humiwalay muna sya sa akin kanina.

 

*room*

Bumalik na sa Hotel sina Cams, since hindi sila kasya dito sa bahay nila Liam kaya nag-check in na lang sila sa Hotel. Same with Robin, sina Ate Sophia naman, dun sa bahay ng parents ni Henry sila magpapalipas ng gabi. Sina Daddy naman ayun dahil sa may mga edad na, maaga nakatulog masyado atang napagod sa kasal ko. Sila kasi yung nag-ayos ng reception namin kanina.

Kami ni Liam? Nandito sa kwarto…busy. Sya andun sa may sofa bed nya kasama yung mahal na mahal nyang laptop at may kailangan daw syang tapusin. Syempre trabaho na naman. Ako eto nasa kama kaharap din ang monitor ng laptop ko, chineck ko yung mga schedules ko dahil malapit na kaming umuwi sa Pilipinas kaya naman tinitignan ko na kung ano ano yung mga gagawin ko.

Chineck ko yung facebook ko.

Oh? Ang bilis…na-upload na kaagad ni Chi yung ibang pictures nung kasal ko. Pero syempre yung iba lang kasi mahirap na baka maunahan pa kami ng media. 

*ping*

 Liam Kurt Villas: tulog na. 

Napatingin ako sa direksyon ni Liam. Tss! Akala ko ba busy to? Nagfa-facebook lang pala at wow, seryoso pa rin yung itsura nya.

Agatha Lira Fernandez: akala ko ba busy ka?

Liam Kurt Villas: may chineck lang.

Agatha Lira Fernandez: sus

Liam Kurt Villas: matulog ka na

Agatha Lira Fernandez: nagugutom ako

Liam Kurt Villas: madaming leftover sa baba…micro. mo na lang

Agatha Lira Fernandez: madilim

Liam Kurt Villas: arte

Agatha Lira Fernandez: :P

"Tara, samahan kita sa baba." 

Nagulat ako nung nakita ko syang nakatayo na sa harapan ko.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon