CHAPTER 28

180K 3.5K 415
                                    

CHAPTER 28

(LIAM)

Ilang minuto pa akong nag-stay sa labas ng kwarto ni Lira. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nalaman ko at sa hiling nya. She's starting to fall in love with me? Pero paano? Bakit? Wala naman akong ginagawa para mahulog ang loob nya sakin. Totoo ba yun? Kasi parang ang bilis naman ata, o baka naman nasabi nya lang yun dahil ako lang yung lalaking malapit sa kanya at palagi nyang kasama kaya naman akala nya na mahal na nya ako.

STOP CARING ABOUT ME

Paulit ulit yan sa utak ko. Hindi kaagad ako nakapayag dahil wala namang dahilan para mawalan kami ng pakialam sa isat isa pero nung naisip ko yung sinabi nya sakin na nahuhulog na yung loob nya sakin, alam kong nasasaktan sya. Kahit mahirap yung hiling nya, ginawa ko. Dahil yun lang ata yung kaya kong gawin para hindi sya masaktan ng sobra. Masyado ng magulo ang sitwasyon namin. Hindi na katulad dati na wala kaming pinoproblema kung di kung ano ang iluluto ko at kung bakit ang dami nyang pinamili na hindi naman kailangan.

Hindi ko alam pero biglang bumigat yung pakiramdam ko nung sinagot nya yung tanong ko kung bakit kelangan pa naming mawalan ng pakialam sa isat isa;

"para mas madali…kapag naghiwalay na tayo"

3 months na lang pala at matatapos na yung deal na ginawa namin. Pero parang ang tagal tagal na naming magkasama. Sa sandaling panahon ang dami na naming nalaman sa isat isa.

Umalis na ako sa harapan ng pintuan nya para mag-ayos, dahil kahit na gaano pa kagulo ang nangyayari samin ni Lira kailangan ko paring magtrabaho but i doubt kung makakapagtrabaho ba ako ng maayos. 

Pagkatpos kong mag-ayos dumaan ulit ako sa harap ng kwarto nya gusto ko sanang kumatok pero alam ko naman na hindi nya ako pagbubuksan. In the end, umalis na lang ako ng hindi nagpapaalam sa kanya.

(AGA)

Magdamag kong pinag-isipan yung naging desisyon ko. Hindi madali para sakin yun dahil alam kong sarili ko lang ang pinahihirapan ko. Pero mas mahihirapan at masasaktan ako kapag mas malapit ako sa kanya. Yung tipong palagi ko nga syang kasama pero hindi naman nya ako nakikita. Palagi ko nga syang kasama pero ang layo layo naman nya. Mas lalo lang akong masasaktan kapag ganun diba? Ayoko din na lalong mahulog ang loob ko sa kanya, dahil alam ko naman na wala syang balak saluhin ako. Alam ko naman na simula pa lang talo na ako.

Hindi ko naman ginusto na mahulog sa kanya. Wala yun sa mga plano ko. Ang plano ko lang naman manalo sa deal namin ni Daddy at matapos yung deal namin ni Liam. Mali rin naman kasi ako e. Hindi ko naisip yung mga possibilities na pwedeng mang-yari. Eh malay ko ba naman kasing magkakagusto ako sa kanya.

Ganito ba talaga yung love? Puro sakit na lang yung binibigay sakin? Ngayon na nga lang ako nainlove tapos ganito pa. Karma ko na siguro to sa dami ng lalaking pinaasa ko.

Kinuha ko ulit yung laptop na nakalagay sa may side table ko at binuksan ito. I smile bitterly nung nakita ko ulit yung article sa isang gossip site. Kahit na gusto kong alisin yung mata ko sa picture hindi ko magawa. Kuha to nung gabi nung birthday ko. Paulit ulit ko na ding nabasa yung article.

Si Liam, lumabas sa bahay ni Alannah Diaz. Sa isang picture hinatid sya ni Alannah sa may gate nila at yung pangalawang picture magkayakap sila.

Isa 'to sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi masyado kasing masakit yung katotohanang nagmukha akong tanga kakahintay sa taong may kasama naman palang iba. Maiintindihan ko naman kung sinabi nya sakin eh. Pero hindi, mas pinili nyang paghintayin ako sa wala. Sabi nya sakin sa text may importante syang aasikasuhin. Oo nga naman. Importante si Alannah sa kanya kesa sakin. Ang mas masakit pa dun sa isang cheap na gossip site ko pa nalaman. Ang cool lang.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon