CHAPTER 10 [SISTER's ADVICE]

192K 4.3K 345
                                    

CHAPTER 10 [Sister’s Advice]

[LIAM]

Hindi ko akalain na ganito ang mang-yayari sa meeting namin ni Lira. Hindi ko din alam kung ano ang nasa isip nya at ako yung napili nya. Sino ba naman kasing matinong babae ang mag.-aalok ng kasal sa isang lalaking dalawang beses pa lang nyang nakikita? Hindi naman kasi kami mag-kakilala, kahit pa sinabi nya sa akin ang dahilan kung bakit sya magpapakasal at alam ko na hindi naman masama ang intensyon nyang pasayahin ang Daddy nya. Kung tutuusin hindi madali ang ginawa nilang deal ng Daddy nya, siguro talagang gusto na ni Chef Gee na maging maayos si Lira. 

 At ngayon ko lang naisip na dahil sa ginawa kong pakikipag-usap kay LIra ay parang pumayag na rin ako na magpakasal sa kanya. Ano bang pumasok sa isip ko? Bakit ba kasi sya pa ang naging anak ni Chef Gee. Tama naman sya, makikinabang din ako kapag nag-pakasal ako sa kanya. At sinabi naman nya na maghihiwalay din kami pagkatapos ng anim na bwuan. Tsk.

Tumingin ako sa relo at tinignan kung anong oras na. Tamang tama nasa bahay yun ngayon. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang isang pamilyar na numero.

*ring ring ring ring*

(Hello?)  sagot nya sa kabilang linya

 "Sophia" sabi ko

(Oh, hi Liam! How are you? Long time no talk huh?) sabi nya

 "Been busy lately, sorry." Sagot ko

(Ganyan ka naman e. So what's up?) tanong nya

"Kinda needed your advice." Nag-aalangang sabi ko sa kanya

 (About what? Hayy Liam hindi ka pa rin nagbabago. Installment ka pa rin kung magsalita. Pwede ba yung detalyado ang sabihin mo para hindi ako tanong nang tanong?)  pang-aasar nya sa akin

 "At ikaw naman hindi ka pa rin nagbabago sa kakapuna sa akin. Tsk" sagot ko sa kanya

Palagi na lang nyang pinupuna lahat ng ginagawa ko kahit pagsasalita ko. Tsk

(Hahahahaha. Umayos ka kasi para hindi ko mapansin yung mga mali mo, oh so anong problema ng cute na cute at mas matangkad pa saken na little brother ko?) sabi nya na halatang nang-aasar pa rin

 "ATE, I’m serious here" sabi ko ng may pagkairita

 (Ok, ok. Hihinto na. Pikon ka talaga kahit kelan, namiss lang naman kita e.) sabi nya at medyo sumeryoso na rin yung boses nya.

"*sigh* Should I get married?" I asked her with hesitation.

 (Woah! Is that for real? You're asking me about you…getting married? OH MY GOD LIAM) sabi nya na halatang nagulat sa tinanong ko

Pagpapakasal ang pinaka-iniiwasan kong topic sa pamilya namin. My parents wanted me to sellte down. Palagi akong sineset-up ni Mommy sa mga blind dates dati. Buti na nga lang ngayon tumigil na sya. Si ate din, halos lahat ata ng naging girlfriends ko ay mga pinakilala sakin ni Ate. According to them sayang daw kasi ang lahi namin. Tsk. 

"Sophia, can you please listen to me first?" sabi ko sa kanya.

Kabaliktaran ko si Ate. Madaldal sya ako tahimik, naaalala ko sa kanya si Lira…pareho kasi sila.

 (Ok. go!) pigil hininga nyang sagot.

 "As I was saying, should I get married?" I asked again

(Of course! Wait, I dont know that you have a girlfriend… so who is the lucky girl?)

Yeah right. Isang tanong lang ang binato ko sa kanya triple yung bumalik sa akin.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon