CHAPTER 25

188K 3.6K 351
                                    

CHAPTER 25

[Third Person’s POV]

Mabilis na lumipas ang araw matapos mangyari ang LV event kung saan ang dapat masayang event ay nauwi sa magulong sitwasyon. Na-digest na ng mga utak nila kung ano yung mga nangyari nung gabing yun, pero hindi ibig sabihin na nakalimutan na nila ang lahat nang nangyari. Sino ba naman ang makakalimot sa nangyari nung gabi? Kung umeksena lang sila akala mo nasa pelikula. Bumalik ang ex-girlfriend nang bidang lalaki na napilitang magpakasal sa isang babae na aminadong may special feelings na para sa temporary nyang asawa. Winner lang yung set-up nila. Common plot nang isang storya.

Malamang hindi umuwi si Lira sa bahay ni Liam nung gabing yun, dumiretsyo sa bahay ni Dee. Mas pinili nyang si Dee ang makasama dahil one liner lang naman ito at hindi palatanong. Kaya mas makakapagpahinga sya nang maayos.

Si Liam? Tinawagan ang sekretarya at kaibigang si Robin na kaagad naman pumunta para damayan ang kaibigan. Syempre, lalaki sya, wag na nating i-expect na mag-oopen sya nang problema kay Robin. Kailangan nya lang nang kasamang uminom dahil mababaliw sya kapag sya lang mag-isa.

Ano namang ginawa ni Lana? After nyang mag-walk out sa table nina Liam, umaasa pa rin syang susundan sya ni Liam. Maarte? Hindi naman, gusto nya lang maramdaman na kahit papano importante sya sa lalaki kahit hindi na sa “special way” kahit para na rin lang sa pinagsamahan nilang dalawa at kahit isang beses man lang maglakas loob itong habulin sya. Nung alam nyang hindi na sya susundan nito, umuwi na sya at agad na hinanap ang mommy nya na palaging nandyan kapag kailangan nya.

--

“Give me your best smile Aga.” sabi nung photographer sa dalaga at agad naman itong nagpumilit ngumiti sa camera. Eto ang mahirap sa trabaho nya. Kailangan nyang ngumiti kahit hindi sya masaya.

“Ok. Liam, put your arms around your wife’s body, para naman kayong hindi mag-asawa nyan e” sabi ulit nang photographer.

[Hindi naman talaga.] yan ang gustong isagot ni Lira.

Kahit hindi komportable ay pinilit pa ring gawin ni Liam ang kagustuhan nang photographer. Nakaupo si Lira sa isang upuan habang suot suot ang isang wedding dress at may bouquet na hawak, habang si liam naman ay nakatayo sa likuran at parang niyayakap si Lira mula sa likuran.

“Liam, ipatong mo sa balikat ni Ms. Aga yung chin mo. Yung parang nagbebeso. Konting sweetness naman dyan Mr. and Mrs. Villas.” medyo naiirita na sa kanila yung photographer. Kanina pa kasi sila paulit-ulit at hindi pa rin makuha nung dalawa ang gusto nyang shot.  Ginawa naman ni Liam ang utos at dahil doon biglang nakaramdam nang kaba si Lira. Kaba na ngayon lang nya naramdaman. At parang ewan naman yung nagiging reaksyon nang tyan nya.

Ngayon ang photo shoot nila for the month of June. Oo. Yung para sa June bride sa hotel ni Liam. Dahil ayaw ni Liam nang naghahapit sa oras kaya naman mas maaga nyang pina-schedule. Syempre naman pina-schedule nya yun nung maayos pa sila ni Lira. Pero ngayon parang nagsisisi sya na ngayon pa nasakto yung photo shoot kung kelan mag-iisang linggo nang hindi sila nagpapansinan ni Lira. Magkasama sila sa bahay. Pero hindi sila nagkikita. Ang weird lang diba? Dahil sa umaga nasa trabaho si Liam at tulog si Lira. Sa gabi naman pagkauwi ni Liam, kasalukuyan namang nag-babar hopping ang asawa. Balik sa dating ginagawa si Lira, magpaparty magdamag at matutulog maghapon.

“H-hmm. can we take a break?” tanong ni Lira, na ikinagulat nang mga dati na nitong katrabaho. Pagdating sa trabaho, professional ang dalaga. Hindi sya nag-rerequest nang break hanggat ang mga crew ang nagsabi. Dahil ayaw ni Lira na mahirapan ang mga katrabaho sa kanya. Kaya nga hindi sya nawawalan ng mga projects dahil sa bukod sa maganda na ito magaan pang katrabaho. Pero syempre lagi syang LATE.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon