CHAPTER 12 [MEET THE FAMILY]

185K 4.5K 332
                                    

CHAPTER 12 [Meet The Family]

 [LIAM]

10a.m ang usapan namin ni Lira, pero dahil alam kong palagi syang LATE kaya 10am ako umalis ng bahay para sunduin sya. Sya naman ang paghihintayin ko! Siguro naman kapag dumating ako dun ay naka-ayos na sya at aalis na kaagad kami. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pa syang sunduin at kung bakit ako pumayag. Hayy. Ibang klase talaga sya.

*ding dong ding dong*

 Lumabas sa may pintuan ang isang matandang babae na nakangiti. 

"Good morning po, is Lira there?" nakangiting bati ko sa kanya.

"Liam?" tanong nya

"Opo" sagot ko. 

"Halika pasok ka, pinagbilin ka sa akin ni Agatha. Mas gwapo ka pa pala kesa dun sa picture na ibinigay sa akin ng alaga ko." masayang kwento nya

"Picture po?" pagtataka ko.

"Ibinigay sa akin ni Agatha kahapon, para daw alam ko kung papapasukin kita oh hindi. Loko talaga yung batang yun." sabi nya

Dumiretso na kami sa sala nila.

"Upo ka muna, kukuha lang ako ng maiinum at tatawagin ko lang si Agatha, baka nagbibihis na yun." sabi nya

"Nagbibihis pa lang po?" tanong ko

"Oo. Umaga na kasi umuwi kanina kaya ayun tinanghali ng gising. Sandali lang ha." at tuluyan na syang umalis

Grabe talaga yung babaeng yun. 10:45am na tapos nagbibihis pa lang? Buti na lang pala hindi ako maagang pumunta dito. Tsk, tsk.

Pinagmasdan ko yung sala nila. Ang tahimik naman dito sa bahay nila. Sila lang atang dalawa nung maid nila yung nakatira dito. Close talaga sila ni Chef Gee. Ang dami nilang picture na magkasama, bakit wala syang picture ng mommy nya? 

"Done looking around?"

Napalingon ako sa nagsalita and there she is smiling at me. 

"Yeah. Hmm let's go?" sabi ko sa kanya

"5 minutes pa." sabi nya

"Huh? Di ka pa rin ayos?" ako

 "Wait lang. Palabas na si Yaya Rosie, hinahanda lang yung pagkain ko." paliwanag nya

 "Sa bahay tayo maglulunch diba?"

"Oo nga. Eh hindi pa ako nagbre-breakfast e."

"11a.m na. Saktong 12nn nasa bahay na tayo, tapos kakain na tayo ng lunch."

"Problema ba yun? Edi kakain ulit."

Bago pa ulit ako makapagsalita, lumabas galing ng kitchen si Yaya Rosie daw, na may dalang lunch box?

"Oh eto na. Pasensya na medyo natagalan. Ito yung coffee mo, tapos may sandwich na din dito saka slice fresh fruit. Ay teka kukunin ko lang yung tubig mo." sabi ni Yaya Rosie at saka bumalik ulit sa kusina.

Hindi ko mapigilang matawa sa nakikita ko. Wow. Ganito ba sya palagi? Parang bata. 

"Hey. Anong tinatawa tawa mo dyan?" inis na tanong nya

"Haha seriously Lira? Hindi tayo magfi-field trip. Sa bahay tayo pupunta bakit may baon ka pa? Ganyan ka ba palagi?" curiuos kong tanong.

"Ano bang masama sa pagkain? Sus, oo ganito ako lagi. Hindi ako pwedeng magutom."

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon