CHAPTER 18 [LIVING TOGETHER]

172K 2.5K 36
                                    

CHAPTER 18

[AGA]

*NAIA*

We are back!

Tulad ng napag-usapan babalik kami dito sa Pilipinas pagkatapos ng kasal namin. Pagdating namin sa airport naghiwa-hiwalay na kami, sina Daddy at Yaya Rosie nauna na, kelangan pa kasing bisitahin ni Daddy yung restaurant. Sina Daddy Leo at Mommy Aly naman nauna na din sa aming umalis. Si Liam? Nagmamadaling umalis kasama si Rob, balik trabaho na kasi sya ulit at may hinahabol pa syang meeting.

Hays! Napakaworkaholic talaga. Iniwan na lang nya sa akin yung duplicate key ng bahay nya at sinulat sa isang notepad yung address ng bahay nya, kaya ang kasabay kong umuwi ay sina Dylan.

As expected may nag-aabang sa aming media. Lagi naman silang ganyan e. Araw-araw ata nandito sila sa airport para mag-abang ng kahit sinong celebrity na dadating at aalis. Kaagad nila kaming pinuntahan, bihira na lang din kasi kaming makita ng media na magkakasama kaming pito. Tinanong lang kami ng mga ilang questions at syempre kelangan naming maging nice sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit sumisikat kami. Ngumiti kaming pito sa kanila at sinagot yung mga tanong nila habang naglalakad kami papunta sa van namin.

Mabuti na lang pala at wala si Liam kung hindi matatagalan pa kami dun at mauunahan na naman ako ng media. Bukas pa ang presscon na pina-schedule ko para i-anounce yung kasal ko. So ang nangyari, pinalabas na lang namin na nag-bakasyon kaming pito.

Mag-mula pala ngayon kina Liam na ako titira, uuwi muna ako sa bahay at kukunin yung ilang gamit ko, yung iba kasi bukas ko pa aayusin.

 

*Liam's house*

Pinahinto ko na sa driver ko yung kotse sa tapat ng isang bahay, chineck ko ulit yung papel na hawak ko at tinignan kung tama ba yung address a pinuntahan namin. Noong nasigurado ko ng tama bumaba na ako at agad binuksan yung pinto gamit yung duplicate key na ibinigay ni Liam sakin. Pinapasok ko na din sa driver ko yung mga gamit ko.

Infairness ang linis ng bahay nya; organized. Parang yung alikabok na mismo yung nahiya na tumira dito. Tinawagan ko si Liam habang nag-iikot ako sa loob ng bahay nya. 

*ring ring ring ring ring ring 

Ba’t ang tagal sagutin? Tss! 

*ring ri--

"Finally sinagot mo din." bati ko kaagad

"Why?" sabi nya

Ok? Ang gandang bati ahh. Tss. 

"You busy?" tanong ko sa kanya habang tinitignan yung ilang paintings sa sala nya.

"Kinda, why?" sabi nya at narinig ko din ang ilang papel na parang binubuklat sa background nya.

“What are you doing?" tanong ko at umupo sa may sofa

"Signing some papers." sabi nya

Oh. Kaya pala may naririnig akong papel.

"Where is my room?" tanong ko sa kanya

"Nasa bahay ka na pala." sya

"Yep and your house is just like you." sabi ko

"Oh please Lira, alam ko na yang sasabihin mo." natatawang sabi nya 

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon