CHAPTER 30

189K 3.7K 220
                                    

CHAPTER 30

[Third Person’s POV]

"Let's get a divorce." walang emosyong pahayag ni Lira habang nakatingin kay Liam. 

Ilang segundo din natigilan si Liam. Kanina lang ang dami dami nyang gustong sabihin sa babae pero ngayong sinabi nito ang tungkol sa pag-didivorce nila, lahat ng gusto nyang sabihin, bigla na lang naglaho. Hindi nya mahulaan kung nagbibiro lang ba si Lira o seryoso ito sa sinabi. Divorce? Agad  agad? Halos 3 months pa lang silang kasal at 3 months pa bago matapos ang deal nila.

"W-what? Are you serious? Stop kidding around Lira, it's not funny." halos pabulong at di makapaniwalang sagot ni Liam sa kanya.

Nag-iwas ng tingin si Lira kay Liam, hindi nya akalain na ganun ang magiging reaksyon ng lalaki. Ang ineexpect nya kasi ay papayag kaagad ito nang walang pag-aalinlangan. Hindi nya inisip ang posibilidad na pwedeng tumanggi si Liam sa suggestion nya.

"Whatever" sagot nya kay Liam at iniwan ito sa kitchen, dumiretsyo sya sa kwarto nya para maiwasan ulit si Liam

Bakit ba kasi nya sinabi yun? Naiinis na kasi sya sa set-up nila ni Liam. Kahit na hindi na nga sila nagpapansinan ng tatlong araaw ay tuloy tuloy pa rin si Liam sa pagpapakita ng care sa kanya. Minsan nga gusto na nyang batukan ang lalaki sa sobrang inis nya dito.

 "Boring na nga, manhid pa! Argh. Nakakainis ka talaga." inis nyang sabi at saka humiga sa kama para tawagan ang kaibigan.

 "Hey, Dee" mahinang bati nya sa kaibigan

(Hi! Lira)

 "San ka?" tanong nya dito

(Mall! I’m with Cams and Chi. Why?) halata namang sa boses ng kausap na masaya ito, hindi tulad nya.

Great! Buti pa ang mga kaibigan nya pashopping-shopping na lang, samantalang sya nasa loob ng kwarto at pilit iniiwasan si Liam. Sya? nagkukulong sa kwarto? Anong nangyari sa happy-go-lucky na Agatha Lira Fernandez? Na magkakasakit kapag nag-stay sa loob ng bahay at kapag wala sa galaan? Ganito ba ang epekto ni Liam sa kanya? Pati sya nahawa na ng kaboring-an ng lalaki  kaya naman mas lalo lang syang nainis dito.

"I’m bored" simpleng sagot nya sa kausap

(Ikaw? Bored? Wow…nahahawa ka na ata kay Liam?) pang-aasar naman ng kausap

"Pupuntahan ko kayo dyan ok?" hindi na lang nya pinansn ang pang-aasar nito sa kanya.

(If i know iniiwasan mo lang si Liam.) pang-aasar ulit ng kausap

"Oh shut up Dee. Tss. Just text me kung nasan kayong mall. Mag-aayos na ako. See you later, bye." mabilis na sagot nya kay Dee at inend ang call at saka nag-umpisang mag-ayos.

Sa pakikipagbonding na lang sa mga kaibigan at pagshoshopping nya ibubuhos ang inis at atensyon nya sa ngayon. Mas ok naman yun kesa sa mag-stay sya sa bahay kasama yung taong sanhi ng pagkainis nya, baka mas ma-stress pa sya lalo.

 --

Habang busy si Lira sa pag-aayos, si Liam naman hinarap ulit ang trabahong iniwan kanina. Kung may natapos na ba sya magmula nung bunalik sya galing kitchen kanina? Wala. Wala syang na-umpisahan kaya wala din syang natapos. Bakit? Dahil hanggang ngayon iniisip pa rin nya yung napag-usapan nila ni Lira sa kitchen tungkol sa divorce. Hindi nya kasi alam kung seryoso ba o nagbibiro lang ang kausap nya nung sinabi yun. Paano ba naman, iniwan sya sa ni Lira sa kitchen nang nakatanga, idagdag mo na din pala ang nakakalokong sagot nito bago umalis, 

"WHATEVER!" 

Anong klaseng sagot yun? 

Umiral na naman yung pagiging childish ni Lira, kaya naman hindi maiwasang isipin ni Liam na pinagtritripan lang sya nito nung sinabing may feelings na ito sa kanya. Iba kasi ang ikinikilos nito sa sinasabi nya. Tulad na lang noon na sinabi nitong "stop caring about me" -- alam nyang seryoso ang kausap nung sinabi yan.  Pero nung nakaraang tatlong araw na wala silang pansinan, hindi din naman maiwasang reply-an ni Lira yung mga notes na inilalagay nya sa refrigerator ang gulo lang.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon