Chapter 66

1M 41K 21.2K
                                    

Author's Note: Baka tuesday na next update... Thank you guys sa votes. Pinapasaya nyo ko at yung mga bulate sa utak ko. Hahahaha

Competition

Aries's POV

"Anong balak mo sa Section E?" Tanong ni Ella kay Freya.

Nababaliw na kasi sya. Matagal ng tinanggal sa competition ang Section E. Sayang lang daw kasi ang budget ng school.

"Ang sarap kaya nilang paglaruan..." Sabi nya habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Dumating si Kiko at naupo malapit samin. Hindi maganda ang itsura nya. Ilang beses na syang pumapasok ng naka-inom at mukang ganun na naman sya ngayon.

I'm not sure if this is because of Jay-jay.

Lumapit si Freya kay Kiko at parang may binabalak na hindi maganda. Kumandong si Freya sa kanya. Hindi na kami nagulat. Matagal na nyang tinatapon ang sarili kay Kiko.

Sa iba lang talaga nakatuon ang tingin nya.

May binilong si Freya at parang nag-usap sila. Wala kaming mabakas na kahit anong reaksyon kay Kiko.

"Anu sa tingin mo balak ni Freya?" Bulong sakin ni Ella.

"I don't know, but I swear I don't feel good about it."

Nakatingin pa rin kami sa kanila. Ganyan naman si Freya, wala sya'n paki-alam sa sasabihin ng iba basta magawa nya ang gusto nya.

And i have this feeling na si Jay-jay ang puntirya nya sa balak ng pagsali sa mga Section E.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Magkanu pusta mo? Nababaliw na talaga si Freya." Sabi ni Ci-N kay Eren.

Kasi naman, may tama naman sya don. Nanahimik kami tapos biglang sasabihin na kasali kami. Buti sana kung sa isang competition lang.

Meron ng Mr. Ganda at Ms. Pogi, tapos meron pang battle of the band, meron ding singing contest at dance troops. Anu? Kamusta naman yun!

Sino-sino naman samin ang sasali don?

"Anong balak Keifer?" Tanung nila sa Hari ng mga ulupong.

"Tss." Sagot nya.

Wow! Laking tulong!

Sarap putulin ng dila nito. Kinakausap ng maayos tapos ganun lang isasagot.

"Jay! Tara na!" Tawag sakin ni Eman.

Launch break na kasi at kasalukuyang nagluluto si Eman. Syempre dahil active ang mga ulupong sa kainan, gumawa na sila ng pila sa harap ng table na nilalagyan namin ng pagkain nila.

Ayos diba?

"Wag ka nga manulak!"

"Ci-N! Ako nauna sayo!"

"Ako kaya! Dun ka nga! Jay-jay oh!"

"Mga patay gutom kayo... Pare-pareho naman tayong makaka-kain."

"Anu ba yan?"

Ang gulo nila! Sumasakit ang ulo ko. Masakit na nga kanina dahil kay Freya tapos gagatungan pa nila.

"Ang kakapal nyong magsi-pila, nagbigay ba kayo nung singilan?!" Tanung ko sa kanila.

Matapos kasi ang unang lutuan namin, naningil na si Eman. Baka akalain nitong mga to na libre lahat ng serbisyo namin.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon