Chapter 72

1M 40.5K 9.7K
                                    

Author's Note: Saturday Morning... Hahahaha...

Denzel

Jay-jay's POV

Yung kinagalitan na nga ako ni Aries tapos kinagalitan pa ko ni Kuya. Hindi pa sila nasiyahan, balak pa kong i-grounded. Buti nalang at nahabag si Kuya Angelo.

Kasalukuyan akong naghihintay sa may kanto namin. Nagtext kasi sakin si David at sinabing susunduin ako.

Malayo pa pero natanaw ko na yung kotse nya. Paghinto sa tapat ko sumakay na ko agad.

"Naka-usap ko na si Denzel." Bungad nya sakin.

Pina-andar na nya yung kotse.

"Anu sabi?"

"Sa tingin ko sya dapat ang magpaliwanag sayo." Sagot ni David.

Ay pa-thrill.

Tumahimik nalang ako at naghintay sa byahe. Siguro nga, mas maganda kung si Denzel ang magsabi.

Nakatingin lang ako sa bintana at pinag-mamasdan yung mga bahay. Hangang sa meron akong mapansin. Hindi to papuntang school.

"D-david... Saan tayo pupunta?"

"Kila Denzel... Hindi sya papasok ngayon."

Tumingin ulit ako sa labas. Para bang nasa ibang lugar kami. Hindi kasi ito yung ini-expect kong invironment ng lugar nila Denzel.

Dikit-dikit ang mga bahay, tagpi-tagpi ang iba at ang iba naman sementado pero hindi tapos o kaya kalahati lang ng bahay tapos ang ibang bahagi pinagtagpi-tagping kahoy na. May iba na sako lang ang harang sa bintana. Nagkalat din ang mga basura sa paligid. 

Huminto kami sa tapat ng isang bahay. Kalahating kahoy at kalahating sementado 'yon.

Bumaba si David at ganon din ako. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Ngayon lang ata nakakita ng maganda at gwapo---Charot!

Si David ang unang lumapit sa pinto ng bahay.

"Denzel... Tao po!" Tawag nya.

May batang babae na nagbukas ng pinto. Para syang mini me ni Denzel. Ang cute! Yun nga lang babae.

"S-sino po kayo?" Tanung nung bata samin.

"Classmate kami ni Denzel... Andyan ba sya?" Tanung ko.

Tumango yung bata at sinenyasan kaming pumasok. Pagpasok sa loob, malinis naman yung bahay. May pintura yung pader at kumpleto sa gamit.

Umupo kami sa sofa'ng kahoy at hinintay yung batang mini me ni Denzel.

Pumasok sya sa isang kwarto at paglabas nya kasunod na nya si Denzel.

"B-bakit kayo nandito?" Tanung nya samin.

"Kailangan kang maka-usap ni Jay." Sagot ni David.

Ako talaga?! Ako nga ba?

Tinignan ni Denzel yung bata sa tabi nya. "Maglaro ka muna sa labas."

Tumango naman yung bata at nagtatakbo palabas. Naupo si Denzel sa tabi ko. Mukang alam na nya na yung pinunta ko.

"Naiintindihan ko kung huhusgahan mo ko pagkatapos kong sabihin sayo yung totoo." Sabi ni Denzel.

Hinawakan ko yung kamay nya at nagpilit ng ngiti.

"Ginamit ko lang si Grace." Mabilis nyang sabi.

Sa sobrang bilis hindi kagad nagprocess sa utak ko. Anu yun? Panung ginamit?

"Nakita mo naman yung lugar namin diba? Gugustuhin mo bang mabuhay at mamatay sa lugar na to?" Sabi nya habang tinitignan ang paligid ng bahay.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon