Chapter 73

991K 42K 19.6K
                                    

Enemy

Jay-jay's POV

"Alis na po ako!" Sigaw ko sa mga maid.

Wala pa rin kasi sila Tita kaya sa kanila muna ko nagpapa-alam. Hindi rin naman ako isasabay ni Aries sa kotse nya.

Sobrang nakaka-stress tong mga nag-daang araw. Hindi pa rin malinaw ang usap ni Grace at Denzel. Pero naghahanap na ng trabaho si Denzel. Handa na daw syang panagutan yung Baby. Kayalang mukang yung baby lang.

Malapit na ko sa school ng makita ko si Eren at Ci-N na naglalakad. Tumakbo ako palapit sa kanila at inakbayan sila.

"Good morning!" Bati ko sa kanila.

"Good Morning din!" Balik nilang bati sakin.

Napahinto kami sa tapat ng gate. Puro bandiritas na kasi at tinatayo narin yung ibang mga stall para sa mga booths.

"Malapit na nga pala yung Festival." Sabi ni Ci-N.

"Oo nga... Wala pa tayong representative para sa contest." Sagot ko.

"Meron na..." Sabi ni Eren.

Pareho kaming napatingin ni Ci-N sa kanya. Hindi pa kaya namin napag-uusapan yun. Panong meron na?

"Sino?" Sabay naming tanung ni Ci-N.

"Tignan nyo ang isa't isa. Mr. Ganda at Ms. Pogi." Sabi ni Eren.

Nagtinginan kami ni Ci-N. Obvious naman na ako yung ilalagay sa Ms. Pogi. Ako lang kaya babae samin. Pero si Ci-N bilang Mr. Ganda, hindi ako sigurado.

"Bakit ako?" Tanung ni Ci.

"Para ka daw kasing bakla." Mabilis na sagot ni Eren at naglakad papasok ng school.

"Hoy! Bawiin mo yung sinabi mo! Hahalikan kita!" Sigaw ni Ci at sumunod kay Eren.

Ang lakas mang-asar nito. Para namang papayag itong isa magpahalik. Susunod na rin sana ako sa kanila ng may humintong sasakyan sa likod ko.

Nilingon ko yun at may bumaba na kalalahikan, agad silang lumapit sakin at hinawakan ako.

+++++++++++++++++++++++++++++

Ci-N's POV

"Luko ka! Sasapakin kita dyan!" Banta ko kay Eren.

Sabihin daw ba kong bakla. Asan ba si Rakki? Isusumbong ko tong isa na to.

"Totoo naman! Tanung mo pa kay Jay-jay!" Sagot sakin ni Eren.

Nilingon ko naman si Jay-jay para itanung pero wala sya sa likod namin at parang may nagkakagulo sa may gate.

Bigla na lang akong kinabahan, something is wrong. Tumakbo ako pabalik sa gate.

"Tulungan nyo!"

Sigaw ng kung sino. Nakisiksik ako sa mga nagkukumpulan at kitang kita ko kung panu man-laban si Jay-jay sa mga lalaking pilit syang sinasakay sa kotse.

"Bitiwan mo sabi ako!" Galit na sigaw ni Jay.

Agad akong tumakbo palapit sa kanila. I punch one of them immediately.

"Jay!" Sigaw ni Eren at tinulungan na rin ako.

Kahit si Jay-jay nakisuntok na rin dahil sa galit. Pero meron pa pala silang kasama sa loob ng kotse.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon