Chapter 81

1M 39.1K 43.2K
                                    

Festival Day 2.5

Jay-jay's POV

Ngayon lang ako nakakita ng Bulate Dance. Kung saan yung kamay at braso ay parang spagetti sa ere na kikibot-kibot.

"Eto pa..." Sabi ni Ci-N at bigla nalang gumiling-giling.

"Anu yan?" Tanung ko.

"Bulateng nilagyan ng asin!" Sagot nya at nagpatuloy.

Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. Anong bang kinakain nito sa bahay at nagkakaganyan?

Nakita kong dumating si Rakki. Taka syang napatingin kay Ci-N!

Welcome to the club!

"Anong nangyayari kay Ci-N?" Bulong sakin ni Rakki.

"Nagpapaka-bulate." Sagot ko.

Hindi pa rin tumitigil ang Ci-N. Hinayaan muna namin sya. Enjoy na enjoy naman kasi sya sa pagkibot.

"Bakit andito ka?" Tanung ko kay Rakki.

"Babatiin ko sana sya..." Sabay turo kay Ci. "...kayalang busy."

Nag-chicken dance naman sya ngayon. Anu ba yan?

"Ci-N! May bisita ka!" Sigaw ko at tumigil naman ang luko.

Lumapad ang ngiti nya at agad na lumapit kay Rakki. Hinayaan ko muna silang mag-usap. Lumapit muna ko kila Calix na pinapractice ang steps ng sasayawin nila.

Pero nahiya agad ako ng makita si Mica na palapit sa kanya. Kaya eto naupo nalang ako sa sulok. Hindi naman ako yung sasayaw pero ako tong kinakabahan.

Nasa back stage kami ngayon kasama ng ibang kasali sa Dance troops. Nilibang ako ni Ci-N kanina kasi feeling ko alam nya na kinakabahan ako.

Yung iba nasa harap na at naghahanap ng pwesto. Napatingin ako kay Yuri na naka-cross arm at nakatitig sakin.

Bigla syang umiwas ng tingin. Nitong mga nagdaang araw ang sungit nya. Pati kanina nung nakayakap sakin si Felix.

Parang may kung anong sumapi sa kanya. Dati pa naman masungit sakin tong si Yuri pero nun yon nung bad boy pa sya. Nagbabago na din kasi sya after nung pumunta sya samin.

Speaking of Felix eto sya at tumatakbo palapit sakin. Bumalik na talaga yung nakilala kong Felix.

"May gagawin ka sa sabado?" Bungad nya sakin.

"Wala... naman... siguro..." Sabi ko habang nag-iisip.

Hindi kasi ako sure. Baka nga magkaroon ng hindi ko namamalayan.

"Baka pwede kang sumama... Celebration kasi ng pagkapanalo namin sa basketball. Gusto sana namin na isama ka." Paliwanag nya.

"Namin?"

"Yung mga kateam ko. Ikaw daw kasi yung reason kaya nakabalik ako sa team."

Napangiti naman ako dun sa sinabi nya. Nahiya ako bigla.

"Sige sama ako... Sasabihan ko din sila----"

"Wag Jay. Hindi sila pwedeng magpunta don. Andun din si Aries tsaka yung iba. Baka magkaroon ng away."

Eh bakit ganun? Gusto ko sana kasama sila Ci-N.

"Bakit ikaw pupunta?"

"Kasi nga ka-Team."

Napakamot ako ng ulo. Anu ba yan?

"Sige na nga..." Pilit kong sagot.

Niyakap ulit ako ni Felix at kitang kita ko na na-alarma si Yuri. Yan na naman sya!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon