Chapter 110

930K 38.4K 39.2K
                                    

Author's Note: Guys!!!! Check this story... THE UNEXPECTED GUY
By @BernadethLopez5

S.O.R.R.Y.

Jay-jay's POV

"Sorry for what Keifer said before." Sabi ni Yuri habang inaabot sakin ang isang baso'ng puno ng ice cream.

"You have nothing to apoligize. Si Keifer yung may kasalanan. Tsaka sinabihan ka nyang piece of shit." Sagot ko bago sumubo ng ice cream.

"Ganun lang talaga magsalita yun kapag mix emotion." Singit ni Ci-N habang kumukuha ng ice cream sa baso ko.

Aba! Pasimple pa sya!

"Hoy! Akin to!" Sabi ko habang nilalayo yung ice cream sa kanya.

"Palit tayo... Mas masarap yung flavor nung sayo."

Tinignan ko yung baso nya. Wala naman laman. Panu pa kami magpapalit?

"Wala namang laman yung baso mo."

Agad syang ngumiti habang hinihimas ang batok. Kala nya siguro hindi ko mapapansin.

Wais to men! Wais!

"Oo nga no... Hingi nalang ulit ako kay Kit." Sabi nya at lumakad palapit kay Kit.

Tinuloy talaga namin yung pagpunta sa Mall. Except kay Blaster na hinatid na nila pauwi. Kailangan nyang magpahinga.

Sabi ni Ci-N, matagal na daw yung away ni Keigan at Blaster. Bestfriend daw kasi nya yung girlfriend ni Keigan. Syempre concern pa rin tong isa kaya hindi nya malayuan lalu na't aware si Blas sa ugali nitong kapatid ng Hari ng mga Ulupong.

Sa totoo lang wala akong gana maki-alam sa usap nila. Dahil na rin siguro sa mga nangyari o dahil involve si Keifer kumag.

Hay ewan...

"Tama si Ci... Ganun lang talaga si Keifer. Specially that you make him feel guilty." Paliwanag ni Yuri.

Taka ko syang tinignan. "Ginawa ko yun?"

"For me... Yeah you did."

Ginawa ko nga? Hindi naman yun yung intensyon ko. Anu ba yan? Sobra-sobra kasi yung inis ko kanina. Sinabihan pa kong piece of shit.

"K-kasi abnormal sya eh." Katwiran ko.

"I understand Keifer. Mali din kasi ako na pinatulan ko pa si Keigan." Sabi ni Yuri at dinikit sa muka nya yung ice bag na puno ng yelo.

Bakit ba ang bait nitong si Yuri? Sya na yung mapagtulungan sya pa yung umiintindi.

"Bakit ganyan ka?" Tanung ko na pinagtakhan nya.

"Anung 'Bakit ganyan ka'?"

"Ang bait mo kasi... Nakakainis."

"Ayaw mo kong maging mabait?"

Umiling ako agad. "Hindi ganun... Ang ibig kong sabihin, masyado kang mabait. Yung mga ganyan madaling masamantala."

Bahagya syang natawa. "Kala ko gusto mo kong bumalik sa dati."

"Hindi no! Mas gusto ko kapag nagpapakatotoo ka."

"So, gusto mo ko?" Pang-aasar ni Yuri sakin dahilan para mag-init na naman yung pisngi ko.

Sumubo nalang ako ng ice cream at umiwas ng tingin. Kainis kasi tong Yuri na to. Bigla bigla nalang ako'ng papakiligin.

"Aishiteru." Sabi nya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon