Chapter 121

920K 34.4K 17.4K
                                    

Real

Jay-jay's POV

Muntik na! Muntik na yung kilay ko. Muntik na kong mawalan ng kilay. Hanep yan!

Si Kuya kasi, nauna naman ako sa kanya pero pagdating nya kinagalitan agad nya ko. Tapos bigla nalang kumuha ng pang-ahit at lumapit sakin.

Buti nalang naawat agad sya nila Tito Julz. Kundi, ay naku! Wala ng kilay is life.

Humarap ako sa salamin at tinignang mabuti yung kilay ko. Mali ako! Mukang nahagip din ng pang-ahit. Meron ng gatla sa gilid. Pareho na kami ngayon ni Charlie Puth.

Anu kaya'ng pwede panremedyo dito?

Lumapit ako sa study table ko at tinignan kung meron akong pwedeng magamit para sa kilay ko pero iba yung nahanap ko.

Yung singsing.

Tapos bigla ko na namang naalala yung mga pinagsasasabi nya sakin kagabi. Oo lasing ako, pero gising na gising ang diwa ko syempre.

May mga nakakalimutan ako minsan pero naalala ko din agad. Pero yung kay Yuri, sobra'ng hirap ata'ng kalimutan.

Sobrang naguguluhan na tuloy ako.

Hay! Yuri Hanamitchi!

Bakit parang pareho na sila'ng may impact sakin ni Keifer? Hindi maganda'ng sign yun. Tsk! Asar!

Bigla nalang bumukas yung pinto ng kwarto ko at tuloy-tuloy na pumasok si Aries.

As usual, seryoso'ng seryoso na naman ang pagmumuka.

"B-bakit?" Tanung ko.

"I have your father's info... What is your decision now?"

Info ni Papa!

Nakatitig lang ako kay Aries. Hindi ko kasi alam kung tama ba tong decision na pinili ko.

"Aries... K-kasi..."

"Do you want it or not?" Tanung nya na halata'ng naiinip sa isasagot ko.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko.

"A-ayoko... H-hindi ako aalis ng Section E."

Huminga sya ng malalim at may kinuha sa bulsa. Papel yun na nakatupi at kahit hindi ko nakikita ng kabuuan alam ko kung anu ang laman nun.

"You sure? You don't want this thing?" Parang naghahamon yung tono ni Aries sakin.

Nagpabalik-balik yung tingin ko sa kanya at dun sa papel. Parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko.

"I'll wait for your answer until the first week of school days." Sabi nya at agad na lumabas ng kwarto ko.

Kingina naman!

Alam mo yung---aarrgghhh!! Kainis kasi! Nasabunutan ko nalang ang sarili ko.

Anu ba kasing problema? Bakit ba gusto'ng gusto nya ko'ng paalisin sa Section ko?

Pahiga ako'ng bumagsak sa kama. Sa sobrang kakaisip para'ng katawan ko yung napapagod.

Pinili ko na yung mga kaibigan ko. Kasi alam kong magkikita at magkikita pa rin kami ni Papa sa maraming paraan----de joke!

Binalak ko talaga'ng kuhanin nalang kay Kuya Angelo yun ng hindi nila nalalaman. Hindi nga lang ako sigurado kung panu.

Takas mode!

Napatitig nalang ako sa kisame. Ilang araw nalang pasko na pero eto ako at nakatanga at namo-mroblema pa rin.

Si Aries kasi...

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon