Chapter 122

899K 35.9K 28.2K
                                    

Author's Note: Hindi ko makita yung ibang nagpapa-dedicate... sorry.

Christmas Celebration

Jay-jay's POV

Ang sexy ko pala----charot!

Habang tinitignan ko yung sarili ko sa salamin, dun lang nags-sink in sa utak ko na tumataba nga ako.

Kala ko joke lang yung sinabi sakin ni Ci-N dati. Suot-suot ko kasi yung nakuha ko nung christmas party. Yung costume ni Ms. Claus na halata'ng nabitin sa tela.

"Labas pusod." Bulong ko at kinalikot yung pusod ko sabay amoy.

Yack!!

Tumalikod ako ng bahagya para tignan yung likod ko. Sobrang ikli kasi nung skirt. Sinuot ko yung sumbrero at kinuha yung cellphone ko.

Bahala na si Batman!

"Yari ka saking Keifer ka..." Sabi ko at nagsimulang picture-an ang sarili ko.

Post! Pak! Ganern! SuperModel! Sexy back! Pak! Pak!

"Okay na to..." Bulong ko at nagsimula'ng mamili ng picture na ipapadala dun sa Hari ng mga Ulupong.

Sa takot ko na malaman ng mga hudlong na yun na ako yung nagbigay ng boxer sa kanya, nagpa-uto ako.

Wag lang talaga lalabas yung picture na to sa madla, babalatan ko ng buhay yung hinayupak na yun.

Dalawang picture yung napili ko. Isang nakaharap na nakapamaywang at isang bahagyang nakatalikod.

Napa-antanda nalang ako bago pindutin yung send. Binaba ko yung phone ko at laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Gulat at galit ang nakita kong reaksyon ni Kuya Angelo ng makita nya yung suot ko.

"What the... What is that?! Why are you wearing that?!" Galit na tanung nya sakin.

"A-anu kasi... Y-yung... S-sinukat ko lang..." Palusot ko na mukang hindi naman nya pinaniwalaan.

Bumaba yung tingin nya sa cellphone ko na nakalapag sa kama. Bigla nalang kasi tumunog yun. Patay!

Nakipag-unahan akong kuhanin yung phone ko. Halos madapa pa si Kuya pero naunahan ko sya.

"Anu yan?! Meron ka ba'ng..." Bigla nalang nanlaki yung mata nya at parang merong kung anung naglaro sa isip nya. "...Are you selling your body?!"

Hala sya!!

"Uy! Hindi! Grabe ka naman! Selling agad?!"

"Bakit ganyan ang suot mo at ayaw mong ipakita sakin phone mo?!"

"Eh kasi nga... OA ka masyado!"

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang nilalamig na ko dito sa suot ko.

"Jay-jay! Sinasabi ko talaga sayo!" Banta nya sakin habang dinuduro ako. "...Huli mo na yan!"

Nag-nod ako. "Sinukat ko lang talaga..."

Napahawak nalang sa sintido si Kuya. Huminga sya ng malalim at tinignan ako ulit, pero salubong pa rin ang kilay nya.

"Magbihis kana... Susunduin natin si Lola sa Terminal." Sabi nya at naglakad palabas ng kwarto ko.

Pagsara ng pinto, tinignan ko kagad kung sino yung nag-message sakin. Dalawang mensahe na parehong galing sa Hari ng mga Ulupong.

From: King Ulupong
Message: 'Sexy Jay-jay... 😎😘'

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon